Panahon ng Adbiyento

Ang Adbiyento ay espesyal na panahon ng paghahanda sa pagdating ni Hesus. Tulad ng paghihintay sa isang mahalagang panauhin, naghahanda rin tayo nang may saya para sa Pasko. Upang makatulong sa ating paghahanda, maaari tayong gumawa ng Korona ng Adbiyento na gawa sa luntiang dahon bilang tanda ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos dahil ang bilog nito ay walang simula at walang katapusan. May 4 na kandila sa korona, 3 violet at 1 pink, at sinisindihan ito bawat linggo bilang paalala ng pag-asa, pag-ibig, galak at kapayapaan. Sa bisperas ng Pasko maaaring may isang puting kandila na sinisindihan bilang simbolo ng pagsilang ni Hesus.


Narito ang ilang mga resources na maaaring gamitin ngayong panahon ng Adbiyento
(1) Pambatang worksheet para sa mga bata na available sa JPG at PDF Format:


(2) Rito ng Pagsisindi ng Kandila sa Korona ng Adbiyento para sa Pamily PDF Format:


Share this post
Facebook