ONE IN CHRIST, UNITED IN MISSION

Ngayong World Mission Sunday 2026, ipinapaalala sa atin na lahat tayo ay may bahagi sa misyon ng Simbahan. ❤️

Sa October 18, 2026, ipagdiriwang ng mga Katoliko sa buong mundo ang World Mission Sunday ang ika-100 anibersaryo nito. Ang tema ngayong taon ay “One in Christ, United in Mission,” na nagpapaalala sa atin na tinawag ang bawat isa upang makibahagi sa misyon ni Kristo.

Upang matulungan ang mga bata, pamilya, katekista, at mga pamayanan na maisabuhay ang misyong ito, muling nagsanib-puwersa ang Pontifical Mission Societies – Philippines at KatoLago upang bumuo ng World Mission Sunday 2026 Learning Material. Sa lesson na ito, mas mauunawaan natin ang misyon, makikilala ang mga patron ng misyon, malalaman ang mahahalagang bahagi ng mensahe ng Santo Papa, at matututuhan ang mga simpleng paraan upang makibahagi sa pamamagitan ng panalangin, sakripisyo, pagbibigay, at pagbabahagi.

One in Christ. United in Mission. 🌍❤️

📖 I-download, share, at gamitin ang World Mission Sunday 2026 Learning Material sa inyong parokya, paaralan, tahanan, o pamayanan.

I-download ang PDF version dito:

#WorldMissionSunday2026 #OneInChristUnitedInMission #PMSPhilippines #KatoLago #MissionaryDisciples

Share this post
Facebook