Masayang Pagbati sa mga Banal!


Ang Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal o Solemnity of All Saints tuwing Nobyembre 1 ay isang napakahalagang kapistahan ng ating Simbahan. Ito ay araw ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos para sa lahat ng Kanyang mga tapat na lingkod na ngayon ay kasama na Niya sa Langit. Sila ang ating mga “bayani” sa pananampalataya, na nagbigay ng magandang halimbawa kung paano mamuhay nang may pagmamahal at pag-asa kay Hesus.

Ipinapaalala sa atin ng pistang ito na may isang malaking pamilya tayo sa Langit—ang tinatawag nating “Communion of Saints”—na patuloy na nagdarasal para sa atin!

Ang mga santo ay hindi lang mga estatwa o pangalan sa kalendaryo. Sila ay mga taong tulad natin na nagkamali, pero bumangon at patuloy na nagtiwala sa Diyos. Ang kanilang buhay ay nagpapakita na posible ang maging banal sa araw-araw na pamumuhay. Kaya naman, sa araw na ito, maaari tayong pumili ng paborito nating santo at tularan ang kanilang kabutihan. Hingin natin ang kanilang tulong at dasal, para balang araw, tayo rin ay makasama nila sa piling ng ating Panginoon sa Langit!

Ang Halloween ay hindi dapat scary! Basahin ang karagdagang katekesis tungkol sa All Saints’ Day dito 👇


📚 Sanggunian

  • All Saints’ Day: Celebrating Our Heavenly Friends – My Catholic Kids
  • All Saints Day – Loyola Press
  • What is the significance of All Saints Day? – National Shrine of the Immaculate Conception
Share this post
Facebook