Pinagkalooban ng imprimatur ni Bishop Robbie Gaa ng Diocese of Novaliches ang mga bagong aklat ng KatoLago na ilulunsad sa darating na Manila International Book Fair (MIBF) ngayong Setyembre.
Ayon sa KatoLago President and Founder, Ricci Parto-Dela Cruz malaking biyaya ang pagkakaloob ng imprimatur at malaking tulong ang gabay ni Bishop Robbie upang matiyak na ang mga aklat ay naaayon sa turo ng Simbahang Katolika.
Nagpasalamat din siya sa mga katuwang sa paghahanda ng mga aklat, kabilang ang KatoLago Co-founder and Creative Director na si Andrew Dela Cruz at ang Co-author, Nine Ajon, gayundin sa kanilang Spiritual Director na Rev. Fr. Nino B. Etulle, SCJ. Nanalangin din siya ng patuloy na gabay at pagpapala para sa misyon ng KatoLago.
