Muling kinilala ang mga gawain ng KatoLago matapos mapabilang sa finalists ng 48th Catholic Mass Media Awards (CMMA) sa tatlong kategorya.
Pasok sa Best Website category ang KatoLago.com, habang kabilang naman sa Best Children’s Magazine category ang Tala: My Light and Guide to Christ at KristoKids.
Inialay ng KatoLago ang pagkilalang ito sa Panginoon, bilang bahagi ng misyon nitong tulungan ang mas maraming bata na makilala, mahalin, at sumunod kay Kristo.
Ibinahagi rin nito ang karangalan sa mga mission partners nito, partikular ang Word And Life Publications at Tintang Ginto, gayundin sa mga diyosesis, religious congregations, institusyon, paaralan, at mga KatoLaKids na patuloy na sumusuporta sa kanilang misyon.
Isang patuloy na paanyaya na gamitin ang media at mga makabuluhang babasahin sa pagpapalago ng pananampalataya ng mga bata.
All for God’s glory! 🙏✝️



