KatoLago Books, Nakarating sa Our Lady of Lourdes Church sa Baguio City

Isang makabuluhang pagkakataon ang pagbabahagi ng mga aklat ng KatoLago kay Fr. Dave Earl Capones Wansi ng Our Lady of Lourdes Church, Kisad Road, Baguio City.

Ang nasabing pagbabahagi ay naitala at ibinahagi ni Mrs. Edlyn O. Burgonio, na nagpadala rin ng mga kuhang litrato mula sa nasabing pagkakataon.

Ayon sa caption na kalakip ng mga larawan:

“Isang masayang pagkakataon na maibahagi ang mga libro ng KatoLago kay Fr. Dave Earl Capones Wansi sa Our Lady of Lourdes Church, Kisad Road, Baguio City.

Nawa’y patuloy kayong maging instrumento ng Diyos sa pagbibigay ng pag-asa, pagmamahal, at inspirasyon sa bawat kabataan.”

Sa pamamagitan ng mga aklat at materyales na ito, patuloy na naipapahayag ang layunin na mapalapit ang mga kabataan sa pananampalataya at mahikayat silang mamuhay na may pag-asa, pagmamahal, at inspirasyon.

“Maging bahagi ng aming misyon.”

Imprimatur:
H. E. Most Reverend Roberto O. Gaa, D.D.
Bishop of the Diocese of Novaliches

Nihil Obstat:
Reverend Father Nino B. Etulle, S.C.J.
Philippine Region Superior, Priests of the Sacred Heart

May-akda: Nine Ajon at Ricci Parto-Dela Cruz


Ilustrador: Andrew Dela Cruz

Share this post
Facebook