KatoLago, Nakibahagi sa Sunday Gospel Catechesis ng 72 Scholars sa Diocese of Novaliches

Nakiisa ang KatoLago sa Sunday Gospel Catechesis para sa 72 scholars ng San Lorenzo Ruiz Parish, Diocese of Novaliches, gamit ang KristoKids bilang kasangkapan sa pagtuturo ng Ebanghelyo at pagpapalalim ng pananampalataya ng mga bata.

Nagpasalamat si Andrew Dela Cruz, Co-Founder ng KatoLago sa Social Action Commission, sa pangunguna nina Heidi Panopio Temporal at Devoralyn Tamayo, sa pagkakataong makasama at makapagturo sa mga scholars. Bahagi ang aktibidad ng buwanang ongoing formation ng mga ito upang patuloy na lumago sa pananampalataya at mas makilala si Hesus.

Narito ang buong pahayag ni Andrew Dela Cruz:

โ€œMasayang nakasama ng KatoLago ang 72 scholars ng San Lorenzo Ruiz Parish, Diocese of Novaliches, para sa Sunday Gospel Catechesis gamit ang KristoKids. ๐Ÿ’š

Taos-pusong pasasalamat sa Social Action Commission, sa pangunguna nina Ate Heidi Panopio Temporal at Ate Devoralyn Tamayo, sa pagkakataong makapiling at makapagturo sa mga bata ngayong Linggo. ๐Ÿ™

Bahagi ang gawaing ito ng buwanang ongoing formation ng mga scholars upang patuloy silang lumago sa pananampalataya at mas makilala si Hesus. ๐Ÿ’›โ€

Share this post
Facebook