Intensyon ng Papa para sa Nobyembre 2025: Para sa pag-asa at pagpapahalaga ng buhay


Ngayong buwan, inaanyayahan tayo ng Santo Papa na ipagdasal ang mga taong nakararanas ng matinding lungkot o kawalan ng pag-asa, upang madama nila ang pag-ibig ng Diyos at ang halaga ng kanilang buhay. 💛

Ang bawat buhay ay mahalaga at may layunin. Kapag may kaibigan tayong tila malungkot, sa simpleng pakikinig, ngiti, o pagdamay ay nagiging daan ng pag-asa para sa kanila. Sa ganitong paraan, nagiging mga “liwanag” tayo ni Hesus sa puso ng iba. 🌞

👦🏽👧🏽 Munting Gawain


✅ Kumustahin ang isang kaklase o kaibigan kahit tila masaya sila.
✅ Gumawa ng letter para ipaalala sa kanya na siya ay mahalaga.
✅ Ipagdasal tuwing gabi ang mga taong nalulungkot, na sana ay maramdaman nila ang pag-ibig ng Diyos.

🙏 Manalangin Tayo


+ Panginoong Hesus, salamat sa regalo ng buhay. Turuan Mo kaming maging mabubuting kaibigan sa mga nangangailangan ng pag-asa. Nawa’y maging ilaw kami ng Iyong pagmamahal sa iba. Amen.


📚 Sanggunian

Share this post
Facebook