Bagong Kabanata para sa KatoLago: Muling Nabuo ang Board of Trustees!

Masayang ibinabalita ng KatoLago Foundation, Inc. na muling nag-renew ang pitong (7) magkakaibigan na unang tumugon sa misyon noong ito’y nagsimula tatlong taon na ang nakalilipas. Sa tulong ng Espiritu Santo, itinatag nina Kuya Andrew at Ate Ricci ang KatoLago, kasama ang mga kaibigan na ngayon ay tunay na nilang pamilya sa misyon — ang ating KatoLaBOTs:

  • Fr. Nino B. Etulle, SCJ
  • Nine Ajon
  • Edlyn Ortega-Burgonio
  • Marlon De Jesus
  • Charina Buscaino-Javier
  • Mariz Umali
  • Remary Aganos Valles

Sila ang patuloy na tutulong upang mas mapalago ang ating layunin: tulungan ang mga bata, pamilya, at katekista na maging mas malapit kay Hesus sa masaya at makulay na paraan.


Tatlong Taon ng Biyaya at Paglilingkod

Sa loob ng tatlong taon, napakarami nang ginawa ni Lord para sa KatoLago:

  • Parangal mula sa Simbahan. Mula sa pagiging finalist sa 44th Catholic Mass Media Awards, hanggang sa pagwawagi nitong 2025 bilang Best Website sa 47th CMMA.
  • Tatlong Liturgical Cycles. Natapos natin ang GabayNilay at LiturgyFun para sa buong taon, sa loob ng tatlong magkakasunod na cycles.
  • Lima na ang ating libro! Apat dito ay pinarangalan sa iba’t ibang okasyon, at mahigit 18,000 libreng kopya na ang naipamigay sa Pilipinas at ibang bansa.
  • Tatlong Malalaking Gawain. Naidaos natin ang Children’s Congress 2024, at ang Opening at Celebration ng Kids’ Jubilee Year of Hope 2025.
  • Tulong sa Pag-aaral. Nakapagtapos ang apat na iskolar sa kolehiyo at dalawang mag-aaral sa senior high.
  • Mission Headquarters. May sariling tahanan na ang KatoLago para sa gawaing misyon.
  • Mas matibay na pagkakakilanlan. Nabuo ang mas malinaw at makulay na brand na nagpapakita ng tunay na puso ng KatoLago.

Pamilya sa Misyon

Taos-puso ang pasasalamat ng KatoLago sa ating KatoLaBOTs. Sila ang patunay na si Lord ay laging nagbibigay ng tamang tao sa tamang panahon.

Patuloy tayong maglingkod, magdasal, at magbigay-liwanag sa mga bata.
🔥💛😇

Share this post
Facebook