KristoKids Isyu #3: Available na sa English at Tagalog!

Dumating na ang bagong Isyu #3 ng KristoKids! ✨

Sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes, tulungan natin ang mga bata na maintindihan ang iba’t ibang aral na hatid ng mga Ebanghelyo linggu-linggo sa masaya at madaling maintindihang paraan.

Ang isyung ito ay puno ng kuwento, gawain, at aral na tutulong sa mga bata na makita kung paano kumikilos ang Espiritu Santo sa kanilang puso, pamilya, at araw-araw na buhay.

Masaya rin naming ibinabahagi na available na ang English version ng KristoKids, upang mas maraming bata at pamilya ang matulungan sa paglago sa pananampalataya.

Mag-subscribe sa KristoKids magazine sa pamamagitan ng pag-click sa link o pag-scan sa QR code sa baba.

https://wordandlife.org/subscription.php

Share this post
Facebook