San Carlo Acutis

🗓️ Araw ng Kapistahan: Oct 12

🛡️Patron ng mga Kabataan at Computer programmers‎


15 years old lang si San Carlo Acutis nang mamatay dahil sa Leukemia. Tulad ng ibang batang ka-edad niya, si Beato Carlo ay masayahin, mapagbiro at mahilg maglaro. Ang paborito niyang gawin ay maglaro ng  soccer at video games. Aminado siyang nahihirapan siyang tanggihan ang matatamis na pagkain tulad ng ice cream kaya’t madali siyang tumaba. Dito niya naintindihan ang kahalagahan ng self control at pagpipigil at pagsasakripisyo. Sabi niya “What’s the use of winning 1,000 battles if you can’t beat your own passions?”

Malalim ang pagmamahal ni San Carlo sa Banal na Eukaristiya. Noong 11 taong gulang si Carlo ay nagsimula na siyang magsaliksik sa mga himalang dulot ng Eukaristiya. Ginamit niya ang kanyang kaalaman sa computer at gumawa siya ng website para itala ang mga himalang ito. Mahalagang maipalaganap ang mga storyang ito sa nakararami dahil para sa kanya, ang Banal na Eukaristiya ay ang ating “Highway to Heaven.”

Nang magkaroon ng Leukemia si San Carlo, inialay niya ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman para sa santo papa at sa buong simbahan. 


🙏PANALANGIN KAY BEATO CARLO ACUTIS

O Ama, pinagkalooban Mo ng maalab na pagpapatotoo ang kabataang lingkod Mo na si Carlo Acutis, na ang Eukaristiya na sentro ng kanyang buhay at pang-araw-araw na gawain, at dahilan din upang ang iba ay mahalin Ka ng higit sa lahat, pahintulutan Mo nawang mapabilang siya sa hanay ng mga Banal ng Iyong Simbahan.

Pagtibayin mo ang aking pananampalataya, palusugin ang aking pag-asa at muling palakasin ang aking pagmamalasakit sa kapwa ayon sa halimbawa ng Binatang Carlo, na namuhay sa Iyo na umunlad sa mga ganitong kabanalan. Matanggap ko nawa ang biyayang hinihiling (Banggitin ang Kahilingan). Nagtitiwala ako sa Iyo, Ama, at sa Iyong Bugtong na Anak na si Jesus, sa Birheng Maria, aming masintahing ina at sa pagdalangin ng Iyong lingkod na si Carlo Acutis. Amen.

San Carlo Acutis, ipanalangin mo kami!


📚 Sanggunian:


https://www.vaticannews.va/en/church/news/2020-10/carlo-acutis-blessed-assisi-eucharist-patron-internet.html

https://www.facebook.com/KabataangKatolikoAko/posts/panalangin-kay-beato-carlo-acutiskapistahan-oktubre-12o-ama-pinagkalooban-mo-ng-/3185309618241927

NilayGabay

Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon