ποΈ Araw ng Kapistahan: Huling Linggo ng Karaniwang Panahon (Bago mag-Adbyento)
π‘ #AlamMoBa na ang kapistahang ito ay itinatag lamang noong 1925 ni Papa Pio XI? Ginawa ito upang ipaalala sa lahat na kahit may mga presidente o hari sa mundo, si Hesus pa rin ang dapat masunod at maghari sa puso ng lahat ng tao.
Si Hesus ay tinawag na Hari hindi dahil sa koronang ginto o malaking palasyo, kundi dahil Siya ang Anak ng Diyos na nagmahal, naglingkod at nagligtas sa atin. Sa halip na kapangyarihan, pinili Niya ang kababaang loob at pag ibig, at tinuruan Niya tayo na ang tunay na hari ay nagmamahal at naglilingkod sa iba. Dahil sa Kanyang buhay, kamatayan at muling pagkabuhay, Siya ay kinikilalang Hari ng kalangitan at ng buong sanlibutan.
π§ Fun Fact
π‘ Ang sigaw na “Viva Cristo Rey!” o “Mabuhay ang Kristong Hari!” ay ang huling sinabi ni Blessed Miguel Pro at ng mga martir sa Mexico bago sila barilin dahil sa kanilang pananampalataya.
π‘ Ito ang “New Yearβs Eve” ng Simbahang Katolika. Dito pormal na nagtatapos ang kasalukuyang Kalendaryong Liturhiko. Sa susunod na Linggo, sisimulan ang bagong liturgical cycle kasabay ng pagsisimula ng Panahon ng Adbiyento.
π¦π½π§π½ Munting Gawain
β Maglagay ng imahe ng Sacred Heart o Krus sa gitna ng inyong altar sa bahay at alayan ito ng bulaklak bilang pagpupugay sa Hari.
β Gumawa ng isang gawaing bahay nang hindi inuutusan bilang alay na paglilingkod kay Hesus.
β Magsimba kasama ang pamilya at ipagdasal ang mga namumuno sa ating bayan na tularan nila ang kabutihan ni Kristo.
π Manalangin Tayo
Panginoong Hesus, Ikaw ang kaisa-isang Hari ng aking puso at buhay. Tulungan Mo po akong maging mabait at masunurin upang makapaglingkod sa Iyo at sa aking kapwa araw-araw. Amen.
π Sanggunian