Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria

๐Ÿ—“๏ธ Araw ng Kapistahan: Aug 22


Kasunod ng pag-akyat ni Inang Maria sa Langit o Feast of the Assumption ang pagkorona sa kanya bilang Reyna ng Langit. Ito ay alinsunod sa pagkahari ng kanyang anak na si Hesus bilang Hari ng Sansinikob.

๐Ÿ‘ธ Itinalaga ni Pope Pius XII noong 1954 ang kapistahang ito bilang pagkilala kay Inang Maria bilang pinakamakapangyarihang tagapaghatid ng ating mga kahilingan at panalangin kay Hesus.

๐Ÿ‘ธ Nakaugat sa Banal na Kasulatan ang paniniwalang ito tungkol kay Maria. Sa Ebanghelyo ngayong araw, ipinahayag ni ni Arkangel Gabriel ang pagkahari ng Panginoon.


๐Ÿ™ Dasalin natin ang Regina Coeli o ang Reyna ng Langitโ€ฆ

V. O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya!
R. Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan. Aleluya!

V. Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi. Aleluya!
R. Ipanalangin mo kami sa Diyos, Aleluya.

V. Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria, Aleluya!
R. Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya!

Manalangin Tayo:
O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak na si Jesukristong Panginoon namin, ay minarapat mong paligayahin ang mundo. Hinihiling namin sa iyo na alang-alang sa Birheng Maria na kanyang Ina ay makamtan namin ang kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin. Amen.


๐Ÿ“š Sanggunian:

https://www.franciscanmedia.org/saint-of-the-day/queenship-of-the-blessed-virgin-mary/

Pius XII, Ad Caeli Reginam (1954); Vatican News; Franciscan Media

NilayGabay

Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw ng Paghahanda

Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda