Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan

🌹 #MarianFeast | 🗓️ Ipinagdiriwang tuwing Lunes pagkatapos ng Linggo ng Pentekostes


Noong 2018, itinakda ni Papa Francisco na idagdag sa Kalendaryong Liturhikal ng Simbahang Katolika ang Paggunita kay Maria, Ina ng Simbahan. Ngunit bakit kaya ginawa ang kanyang kapistahan pagkatapos ng Pentekostes? Sapagkat sa araw na iyon, nang isilang ang Simbahan sa bisa ng Espiritu Santo, naroon si Maria – taimtim na nananalangin kasama ng mga alagad (Gawa 1:14).

Si Maria ay hindi lamang Ina ni Hesus, kundi Ina rin ng lahat ng mananampalataya. 

✨ Si Maria, Ina ng Simbahan, ay huwaran ng pananampalataya, kababaang-loob, at paglilingkod. Sa pamamagitan Niya, paalalahanan tayong ang Simbahan ay isang pamilya na may Ina, na patuloy na pinapatatag ng Espiritu Santo.


🤲 GAWA
Paano tayo magiging tulad ni Maria, Ina ng Simbahan?

✅ Dasalin ang “Aba Ginoong Maria” para sa ating mga pari at mga lingkod ng simbahan.
✅ Gumuhit ng simbahan na may imahe ni Maria sa harap bilang Ina ng lahat ng mananampalataya.
✅ Sumulat ng liham o maliit na dasal na nagsasabing gusto mong tumulong sa simbahan


🙏 Manalangin tayo…

♱ Mahal na Inang Maria, inihabilin ng Iyong Anak na si Hesus ang buong Simbahan sa Iyong pag-aaruga. Ipanalangin Mo ang aming ganap na pagsunod sa mga utos Niya at paglingkuran Siya nang tapat. Maibahagi sana namin sa iba ang tunay na pagmamahal at sakripisyong dala ng kaligtasang nagmumula kay Hesus. Amen.


📚 Sanggunian:

Decree Ecclesia Mater, Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments, 2018

Lumen Gentium, Vatican II, #61

Acts 1:14 at John 19:26–27

NilayGabay

Ika-4 na Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay | Kapistahan ng Mabuting Pastol

Ikatlong Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ikalawang Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay