Paggunita sa Kalinis-Linisang Puso ni Maria

🌹❤️ Kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria o Immaculate Heart of Mary | Sabado pagkatapos ng Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus

Inaalala natin ngayon ang dalisay na pagmamahal ni Maria na nag-aalab para sa kanyang anak at sa lahat ng tao sa mundo. 

Ito ay isang pagkakataon upang humingi ng tulong mula kay Maria at palalimin ang relasyon sa kanya, sa pagkilala sa kanya bilang huwaran ng pananampalataya at buong pusong pagsunod sa mga plano ng Panginoon para sa ating lahat. 


🙏 Panalangin para sa Kalinis-linisang Puso ni Maria

O Kalinis-linisang Puso ni Maria,
Ang puso mo ay puno ng pag-ibig, kabutihan, at pananampalataya.
Ituro Mo sa amin kung paano magmahal nang buo,
mapagpatawad, at sumunod nang walang pag-aalinlangan sa Diyos.

Gawin mo kaming katulad mo—
mapagpakumbaba, mapagmalasakit, at madasalin.
Sa gitna ng takot at gulo,
ikaw ang aming aliw at gabay patungo kay Hesus.

Kalinis-linisang Puso ni Maria,
ipanalangin mo kami, ngayon at araw-araw.
Amen. 💙

NilayGabay

Ika-4 na Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay | Kapistahan ng Mabuting Pastol

Ikatlong Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ikalawang Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay