Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus o Sacred Heart of Jesus | Ang Kapistahang ito ay ipinagdiriwang sa Biyernes dalawang linggo matapos ang Pentekostes kaya’t karaniwang nagbabago ang petsa nito base sa liturgical calendar ng simbahang Katolika. Sa taong ito, ang Kanyang kapistahan ay Hunyo 27.

Sinasariwa ng kapistahang ito ang wagas na pagmamahal ng Diyos. Binibigyan tayo ng pagkakataon na magpakumbaba at magsumamo para sa Kanyang dakilang awa. Kasabay ang hamong ibahagi natin ito sa iba.


Mabunga ang pamamanata sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus dahil ito ang simbolo ng Kanyang malalim at sagradong pagmamahal sa sangkatauhan. Ipinahayag mismo ni Hesus sa Kanyang pagpapakita kay St. Margaret Mary Alacoque ang pangako at mga bunga ng pamamanata sa Kabanal-banalang puso. ✝️

💡 Ang debosyon sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus ay higit na lumaganap noong ika-17 siglo sa pamamagitan ng mga pahayag ni Hesus kay Santa Margarita Maria Alacoque, isang madre sa France. Sa Kanyang mga pagpapakita, hiniling ni Hesus na ang Kanyang Puso ay parangalan bilang tanda ng Kanyang pagmamahal na kadalasang nasusuklian ng malamig na pagtanggi. Noong 1856, pormal na itinatag ng Simbahan ang kapistahang ito sa buong mundo sa utos ni Papa Pio IX.
“The heart of Jesus is crying out with profound love, yet most of us are not listening.” – St. Margaret Mary Alacoque

🙏 PANALANGIN SA KABANAL-BANALANG PUSO NI HESUS
O Kabanal-banalang Puso ni Hesus,
Ako’y nagdarasal sa inyo ng buong katapatan.
Pagkalooban niyo po ako ng lakas at pag-asa,
Upang maipamalas ang wagas na pag-ibig, awa at kabutihan.
Mahal naming Panginoon, salamat sa inyong pagmamahal.
Nawa’y palaging magningning ang aking puso,
At mapuno ng pagsasakripisyo’t kababaang-loob,
Sa pagsunod sa inyong banal na landas.
Sa inyong sagrado at mapagmahal na puso,
Inilalatag ko ang aking mga hinaing at pangangailangan.
(Banggitin ang panalangin)
Mahal na Hesus, alay ko ang aking buhay sa inyo.
Gabayan niyo po ako sa bawat sandali ng aking paglalakbay.
Amen.
📌 Sources:
Catechism of the Catholic Church, 478
Vatican.va – Devotion to the Sacred Heart of Jesus
https://www.ebreviary.com/ebreviaryph/phhomepage.htm
Catholic Encyclopedia: Sacred Heart of Jesus (newadvent.org)