🗓️ Araw ng Kapistahan: January 3
💡 #AlamMoBa
- Ang pangalang “Hesus” ay galing sa salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay “Ang Panginoon ay nagliligtas.”
- Si San Bernardino ng Siena ang nagpalaganap ng simbolo na IHS, na unang tatlong titik ng pangalan ni Hesus sa wikang Griyego.
Kung ang pangalan ng isang tao ay mahalaga, ang pangalan ni Hesus ay ang pinakamabanal sa lahat. Binigay ito ng Diyos sa pamamagitan ni Anghel Gabriel. Kapag binabanggit natin ang Kanyang pangalan nang may pagmamahal, parang tinatawag natin Siya para samahan tayo. Ang pangalang ito ay nagbibigay ng lakas, pag-asa, at proteksyon sa atin araw-araw.
👧🏽👦🏽 Gawain
Gumuhit ng isang malaking puso sa papel. Isulat sa gitna ang pangalang HESUS gamit ang iyong paboritong kulay. Idikit ito sa iyong kuwarto para laging maalala na mahal ka Niya.
🙏 Manalangin Tayo
+ Panginoong Hesus, sa simpleng pagsambit ng Iyong pangalan, kami’y nagiginhawaan at napoprotektahan laban sa lahat ng tukso at kapahamakan. Turuan Mo kaming laging sambitin ang Iyong ngalan nang may paggalang at pagmamahal sa lahat ng oras. Amen.l sa lahat ng oras. Amen.
📚 Sanggunian