Paggunita sa Kaarawan ng Mahal na Inang Maria

๐ŸŽ‚Happy Birthday Mama Mary! ๐Ÿ’๐ŸŒน Si Maria, ina ni Hesus, ay modelo nating mga Kristiyano sa pagiging mapagkumbaba at pagsunod sa kautusan ng Diyos. Sa paggunita natin ng kanyang kaarawan ay pinaparangalan natin ang mahalaga niyang papel sa ating kaligtasan sa pamamagitan ng pagbubuntis, pag-aalaga at pagpapalaki kay Hesus.

Kasabay ng iyong pagbati sa mahal na ina, ano ang wish mo para sa kanyang birthday?


โœด๏ธ Ano ang mga pwede natin gawin upang parangalan si Maria ngayong araw?

โ›ช๏ธ Magsimba
Wala nang mas tataas pang parangal kundi mag-alay ng panalangin sa pamamagitan ng pagmimisa. Magpasalamat tayo sa mga panalanging idinulog natin sa mahal na ina na nagkaroon ng pagkakasakatuparan.

๐ŸŒน Magdasal ng Santo Rosaryo
Gunitain natin ang ibaโ€™t ibang mga tagpo sa buhay ni Maria at ni Hesus sa pagdarasal ng rosaryo.

๐Ÿ˜‡ Gumawa ng mga simpleng kabutihan
Sa iyong munting paraan ay gumawa ka ng kabutihan. Sa simpleng pagbati, pangangamusta o pagtulong sa nakatatandang tumawid ay sapat na upang makapaghatid tayo ng kaligayahan at pagmamahal sa ating kapwa.

๐Ÿ™ Dasalin natin ang Aba Ginoong Maria –
Aba Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang Anak mong si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalanging mo kaming mga makasalanan
Ngayon at kung kami’y mamamatay
Amen.

NilayGabay

Kapistahan ng Sto. Niรฑo

Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon

Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon