Araw ng Kapistahan: Sept 3 | Patron ng mga musikero, mang-aawit, estudyante at guro
Sa edad na 30 ay naging alkalde na si St. Gregory ng Roma kahit na ang gusto niya ay simpleng pamumuhay na nakatuon sa pagtulong sa mahihirap. Dahil dito ay pumasok siya sa Benedictine Monastery. Bagamat gusto niyang maging simpleng lingkod ng simbahan ay ipinadala siya para maging sekretarya ng santo papa. Kalaunan siya mismo ay nahalal na maging santo papa.
Sa loob ng 14 taon na paglilingkod ay marami siyang pagbabagong ipinatupad sa liturhiya at musika sa Misa. Ang Gregorian Chant ay istilo ng musika na ipinanganalan bilang parangal sa kanya. Siya rin ang sinasabing naglagay ng “Ama Namin” sa misa.
Noong panahon ng taggutom ay hinimok niya ang mga mayayaman na pakainin ang mga mahihirap. Nag-organisa siya ng mga feeding upang maibsan ang kagutuman ng lahat.
Malalim ang pagkaunawa at pagpapastol ni St. Gregory sa pangangailangan ng mga tao, hindi lamang sa pisikal kundi sa kaalaman. Siya ang nag-utos na makagawa ng “illustrated Bibles” para mas maintindihan ng nakararami ang Mabuting Balita.
Alam mo ba kung bakit karaniwang may kalapati sa mga larawan niya? Sinasabi na noong siya ay nagdidikta ng sermon o homiliya sa kanyang sekretary ay may naaaninag na kalapati mula sa kanyang bibig.