Paggunita kay Santo Domingo Savio

💡 #AlamMoBa
👉 Bata pa lang si Santo Domingo Savio nang gustuhin niyang maging banal. Ipinakita niya na puwedeng maging santo kahit bata pa.
👉 Siya ay naging estudyante ni San Juan Bosco sa Oratoryo sa Turin, Italy. Doon niya natutunang ang kabanalan ay maaaring isabuhay sa pagiging masaya, masunurin, at tapat sa araw-araw.
👉 Namatay siya sa edad na 14, ngunit dahil sa kanyang kabutihan at pagmamahal sa Diyos, kinilala siya ng Simbahan bilang isang huwarang santo para sa mga kabataan.


💬 Sabi ni Santo Domingo Savio:
“Death rather than sin.”
Mas pinili niyang mamatay kaysa sadyang gumawa ng kasalanan laban sa Diyos.


Si Santo Domingo Savio ay isinilang noong Abril 2, 1842 sa Riva, Italy. Lumaki siya sa isang simpleng pamilya, kung saan ang kanyang ama ay panday at ang kanyang ina ay mananahi. Bata pa lamang siya, kilala na siya sa pagiging madasalin, masunurin, at mabait sa kapwa. Sa edad na pito, tumanggap siya ng Unang Komunyon at gumawa ng mga pangakong makatutulong sa kanya na manatiling malapit kay Hesus at Maria. Nang makilala niya si San Juan Bosco, pumasok siya sa Oratoryo sa Turin upang mag-aral at lumago sa pananampalataya. Doon, natutunan niyang ang pagiging banal ay maaaring isabuhay sa pagiging masayahin, sa masugid na pag-aaral, sa pagdarasal, at paggawa ng mabuti. Mahilig siyang tumulong sa mga kaibigan at umiiwas sa away at kasalanan. Pumanaw siya noong Marso 9, 1857 sa murang edad na 14.

👦🏽👧🏽 Munting Gawain
✅ Magdasal ng isang maikling panalangin kay Santo Domingo Savio para matulungan kang piliin ang kabutihan.
✅ Gumawa ng isang mabuting bagay para sa kaibigan o kaklase, lalo na kung may malungkot o nahihirapan.
✅ Ialay kay Kuya Hesus ang iyong pag-aaral, paglalaro, at pagtulong sa bahay bilang simpleng paraan ng pagiging banal.

🙏 Manalangin Tayo
+ Mahal na Diyos, salamat po sa buhay ni Santo Domingo Savio, na nagpakita na kahit bata ay puwedeng maging banal. Tulungan mo po kaming maging masaya sa paggawa ng mabuti, masunurin sa aming mga magulang, at tapat sa aming pananampalataya. Santo Domingo Savio, ipanalangin mo kaming mga bata upang piliin namin si Hesus araw-araw. Amen.


📚 Sanggunian:
Franciscan Media, “Saint Dominic Savio”
Salesians of Don Bosco, “St. Dominic Savio”
Don Bosco West, “The Life Story of St. Dominic Savio”
Catholic Online, “St. Dominic Savio”