Paggunita kay Santa Monica



+ O Mapitagang Santa Monica, pinagsumikapang mong baguhin ang nawawalay mong anak, hindi ng pananakot kundi ng pananalanging puno ng luha. Mamagitan ka para sa lahat ng mga ina ng aming panahon upang maakay nila ang kanilang mga anak sa Diyos. Turuan mo po sila kung paanong manatiling malapit sa kanilang mga anak, maging ang mga anak na nawalay na ng landas.

Bigyan mo kami ng iyong katatagan, pasensya, at pagtitiwala sa Panginoon. Mamagitan ka para sa amin, minamahal naming Santa Monica upang pakinggan ng Diyos ang aming mga panalangin para kay/sa [banggitin ang hiling dito] , at ipagkaloob sa amin na tanggapin ang Kanyang kalooban sa lahat ng bagay, sa pamamagitan ni Hesukristong Panginoon namin, kaisa ng Espiritu Santo, isang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

Santa Monica, Ipanalangin mo kami!