Paggunita kay Santa Maria ng Calcutta


Ipinanganak noong 1910 si Agnes Gonxha Bojaxhiu sa Macedonia. Bata pa lang siya ay aktibo na siya sa gawaing simbahan. Malimit siyang kinukuwentuhan ng kanyang ina ng mga istorya ng misyonero na nagdulot sa kanya ng labis na inspirasyon. Noong siya ay nag 18 taong gulang ay pumasok siya sa kumbento ng Sisters of Loreto at doon siya binansagang Sister Maria Teresa.

Bilang batang madre ay pumunta siya sa Kolkata, India para magturo ng paaralan ng mga babae. Sa 20 taon niyang pagtuturo ay napapansin niya ang mga taong nagkakasakit at namamatay sa kalsada. Isang araw habang nakasakay sa tren ay nakaranas siya ng “pagtawag” na gugulin ang kaniyang oras at panahon sa paglilingkod sa may sakit, nagugutom, namamtay at walang tahanan.

Nagpaalam siya sa kanilang kongregasyon upang mag-aral ng paggamot sa may sakit upang maglingkod sa “poorest of the poor”.

Kalaunan ay may mga babaeng sumama sa kanya sa pagtulong sa mahihirap. Ang ilan sa kanila ay mga estudyante niya. Noong 1950 ay itinayo niya ang religious order ng Missions of Charity. Noong 1979 ay ganap nang kilala si Mother Teresa sa mundo at ginawaran siya ng Nobel Peace Price para sa kanyang paglilingkod.

Ang kanyang simpleng mensahe: “We are put on earth to do something beautiful for God.”

Ang proseso ng beatification ni Mother Teresa ay ang pinakamaigsi sa kasaysayan ng makabagong panahon. Karaniwan kasing hinihintay ang 5 taon bago simulan ang prosesong ito. Pagpapaliwanag ni Pope John Paul II ay dahil sa matinding paghanga ng buong mundo sa gawain ni Mother Teresa.


🙏 Manalangin tayo…

Hesus, iginawad mo kay Santa Teresa ang karangalan na maging halimbawa ng matatag na pananampalataya, masighing pag-ibig, tanda ng walang kaparis na kababaang-loob, at tagapagtaguyod ng karangalan ng bawat tao .

Idinadalangin namin sayo, Oh Hesus namin,na siya ay aming alalahanin at gawing ehemplo bilang isa sa mga Dakilang Santa ng Iyong Iglesia Katolika. Nawa’y dinggin Mo ang mga pamimintuho niya para sa Iyong bayan at ipagkaloob ang aming hinihiling (banggitin ang kahilingan)

Sa pamamagitan ng Iyong grasya, akayin kami na masundan ang tinahak na landas ni Santa Teresa ng Calcutta: ang pagdamay sa pagkauhaw mo sa Krus at kilalanin ka sa mga walang wala higit lalo sa yaong mga tinalikdan at kinalimutan. Idinadalangin namin ito kasama ni Maria aming Ina. Amen.

Santa Teresa ng Calcutta, ipanalangin mo po kami!

Source

NilayGabay

Ika-4 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay