Araw ng Kapistahan: July 22
Patron ng nagbabagong buhay, nagbabalik-loob sa Panginoon, kababaihan, gumagawa ng mga pabango, nag-aayos ng buhok o hairdresser
Matapang si Santa Maria Magdalena! Noong hinatulan nang mamatay si Hesus any naroon si Santa Maria hanggang sa huli. Hindi niya iniwan si Hesus hanggang sa Siya’y ilibing. Una rin na pumunta si Santa Maria sa libingan upang pahiran ng langis ang katawan ni Hesus. Nagulat siya dahil wala na siyang nadatnang katawan at bagkus isang lalaking napagkamalang niyang hardinero ang naroon. Noong magsalita ang lalaki ay doon niya lang nakilala na Siya pala si Hesus na muling nabuhay!
Ang istorya ni Santa Maria Magdalena ay istorya ng pag-asa at pagmahal. Siya ang naunang magsabi sa mga disipolo na ang Panginoong Hesus ay muling nabuhay.
🙏 Manalangin Tayo…

+ O minamahal naming Maria Magdalena, Isinugo ka ng Panginoong Hesukristo upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kanyang Muling Pagkabuhay at ang dulot nitong kaligtasan sa lahat ng tao. Idalangin mo sa Panginoon na aming matamo ang biyaya ng tunay na pagkakilala sa Kanya at sumaamin ang kagandahang-loob ng Diyos upang mahalin namin Siya katulad ng pagmamahal na iniukol mo sa Kanya. Ipanalangin mo rin na aming matamo ang biyayang ito (banggitin ang biyaya na nais makamit). Sa tulong ng iyong panalangin, ang mga biyaya na aming hinihiling ay magpasigla nawa sa aming puso upang mapaglingkuran din namin Si Jesu-kristo at luwalhatiin ang Ama sa patnubay ng Espiritu Santo ngayon at hanggang sa buhay na walang hanggan. Amen.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati
Sta. Maria Magdalena, Ipanalangin mo kami! 🤲