🗓️ Araw ng Kapistahan: Oct 16
🛡️ Patron ng mga deboto ng Kabanal-banalang puso ni Hesus (Sacred Heart), mga may sakit ng polio at mga naulila sa magulang
Mahirap isipin na maratay sa kama ng limang linggo… paano pa kung limang taon!?
Noong 1657, ganap na 10-taong gulang si St. Margaret Mary Alacoque, ay nagkaroon siya ng malubhang karamdaman. Siya ay na paralisa ng limang taon! Dahil wala pa naman noong telebisyon o video games para palipasin ang oras, siya ay puspusan lamang na nagdadasal.
Inialay niya ang lahat ng kanyang paghihirap sa Panginoon at nagninilay sa kanyang pananampalataya. Ipinangako niya sa Inang Birhen na kung manumbalik ang kanyang lakas ay magmamadre siya. Kalaunan siya ay gumaling! Kaya’t kahit na anong pagsusumamo at pagpupumilit ng kanyang magulang ay hindi siya nagpakasal, bagkus pumasok sa Visitation Convent.
“Mahiwaga” ang turing sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya dahil sa kanyang napakalalim na relasyon sa Panginoon. Nagkaroon siya ng pangitain ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus kung saan hinihikayat ang lahat na magkaroon ng debosyon sa kanya. Noong una marami ang hindi naniniwala sa kanya, kahit na mga kasamang madre hanggang sa may isang pari na nagkukumpisal sa kanila ang naniwala! Kaya’t kumalat na ang debosyon sa Kabanal-banalang puso ni Hesus o Sacred Heart at kalaunan ay nagkaroon ng kapilya sa kumbento sa debosyong ito.
Isa sa mga pinakatanyag na debosyon sa ngayon ang nakatuon sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus.
🙏 PANALANGIN KAY SANTA MARGARET MARY ALACOQUE
Santa Margarita MarĂa Alacoque,
tinuruan mo kaming mahalin ang Banal na Puso ni Hesus.
Tulungan mo kami na maging tapat, mabait, at mapagpasalamat sa Kanyang pag-ibig.
Gabayan mo ang mga may sakit at mga nalulungkot,
at ipanalangin mo kami upang mapalapit pa sa Puso ni Hesus.
Amen.
📚 Sanggunian:
http://saintsresource.com/marguerite-marie-alacoque
https://tl.eferrit.com/isang-panalangin-sa-st-margaret-mary-alacoque