Paggunita kay Santa Elena ng Constantinople


Kilala si Reyna Elena sa mga Santa Cruzan bilang pinakamagandang dalaga sa dulo ng prusisyon, may hawak na krus at kasama ang konsorte niyang si Constantino. Ngunit ang totoo, si Reyna Elena ay hindi dalaga kundi isang ina—ina mismo ng Emperador Constantino ng Roma na nagbigay kalayaan sa mga Kristiyano.

Siya ay nabuhay noong ikatlong siglo at nagpabinyag bilang Kristiyano sa edad na 63. Pagkatapos ng kanyang pagbabalik-loob, naglakbay siya patungong Palestina upang sundan ang mga yapak ni Hesus at bisitahin ang mga lugar kung saan Siya naglakad, nagturo, at nagdasal.

Ipinahukay ni Reyna Elena ang pinaniniwalaang Banal na Krus kung saan ipinako si Hesus, at sa lugar na iyon itinayo ang Basilica ng Holy Sepulchre. Nagpatayo rin siya ng simbahan sa Mount of Olives, kung saan nanalangin si Hesus bago ang Kanyang pagdurusa, at sa Bethlehem, kung saan Siya isinilang.

Ipinarada ni Reyna Elena ang bahagi ng Krus sa kanilang lugar upang makilala si Kristo. Higit pa rito, siya ay naging mapagkalinga sa mga sundalo, bihag, at mahihirap, tanda ng kanyang pusong Kristiyano. Sa buhay niya, ipinakita niyang ang pagmamahal kay Hesus ay nakikita sa pagmamahal sa kapwa.


🙏 PANALANGIN KAY SANTA ELENA

♱ Santa Elena, turuan Mo kaming maging masugid sa paghahanap kay Kristo
sa bawat araw ng aming pamumuhay. Tulungan Mo kaming ipakita sa lahat ang aming pananampalataya sa pagsasabuhay ng Kanyang mga aral. Nawa’y tulad Mo, maging matatag kami sa pagsunod kay Hesus at magdala ng liwanag ng Krus sa aming kapwa. Amen.


📚 Mga Sanggunian

Catholic Encyclopedia, New Advent – St. Helena

Vatican News: “St. Helena, mother of Constantine”

NilayGabay

Ika-4 na Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay | Kapistahan ng Mabuting Pastol

Ikatlong Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ikalawang Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay