Paggunita kay Santa Catalina ng Siena

🎉 Kapistahan: Abril 29

🛡️ Patron ng:

  • Laban sa sunog at karamdaman
  • Para sa mga inuusig at pinagtatawanan sa kanilang pananampalataya
  • Para sa mga nars, maysakit, at kababaihang nakunan

Isang batang may napakatibay na pananampalataya! Ipinanganak siya sa Siena, Italya noong Marso 25, 1347. Anim na taong gulang pa lamang siya nang magsimulang magpakita sa kanya si Hesus, Inang Maria, at mga Santo!

✨ Sa edad na 12, tinanggihan niya ang pagpapakasal upang ialay ang kanyang buhay kay Hesus. Tinanggap niya ang mga sugat ni Hesus o Stigmata, at naglingkod siya sa mga mahihirap, maysakit, at bilanggo.

🕊️ Sa tapang at pagmamahal niya sa Diyos, natulungan niyang maibalik ang Santo Papa sa Roma matapos ang 74 na taon!

Bagamat hindi marunong sumulat, naging inspirasyon si Santa Catalina at ginawaran siya ng Simbahan bilang Doktor at Pantas ng Simbahan!


+ Mahal na Santa Catalina, wala kang hinangad sa iyong buhay kundi ang makapiling si Hesus at manatili sa Kanyang payapang yakap. Dahil dito, nabiyayaan ka ng natatanging grasya na makita at makausap Siya.

Ipanalangin mong maging ganap ang aking pagsunod at pagmamahal kay Hesus at tanggapin ko rin ang biyaya ng Kanyang walang hanggang awa lalo na para sa kahilingan ng aking puso (banggitin ang kahilingan).

Santa Catalina ng Siena, idulog mo kay Hesus ang aking panalangin at akayin mo ako patungo sa Kanyang piling. Amen. +


Maaaring i-download ang espesyal na worksheet na ito para sa mga bata 👇

Source

NilayGabay

Ika-4 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay