Paggunita kay San Simon at San Judas Tadeo, Mga Apostol

๐Ÿ’ก #alammoba na laging magkasama ipinagdiriwang ang kapistahan nina San Simon at San Judas Tadeo dahil magkasama rin silang nangangaral ng Mabuting Balita at nag-alay ng buhay para kay Hesus?


โœ๏ธ Maikling Talambuhay

Parehong ordinaryong tao sina San Simon at San Judas Tadeo na pinili mismo ni Hesus upang ipalaganap ang Mabuting Balita at gawing alagad ng Panginoon (Mateo 28:19).
Sila ang nagpapatunay na kahit ang mga pangkaraniwang tao ay maaaring maging santo kung susunod sila sa yapak ni Hesus.

Si San Simon ay tinatawag na Zealot, na ang ibig sabihin ay masigasig. Noon, napakahalaga sa kanya ang pagsunod sa batas ng mga Hudyo. Ngunit nang makilala niya si Hesus, nakumbinsi siyang higit na mahalaga ang pagsunod sa mga turo ng Panginoon. Tinawag siyang โ€œZealotโ€ upang hindi siya mapagkamalian kay San Simon Pedro. Buong tapang niyang ipinahayag ang pananampalataya at tumulong sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa mga lugar na hindi pa nakakakilala si Hesus.

Si San Judas Tadeo naman ay tinawag na Tadeo upang hindi maipagkamali kay Judas Iscariote na nagtaksil kay Hesus. Siya ang patron ng mga imposibleng sitwasyon at mga taong nawawalan ng pag-asa. Kapag tila wala nang paraan o pag-asa, lumalapit ang mga mananampalataya kay San Judas upang ipakiusap na dalhin niya kay Hesus ang kanilang mga panalangin. Sa kanyang sulat sa biblia, pinaalalahanan niya ang lahat na manatiling matatag sa pananampalataya at magmahal sa kapwa.

Magkasama sina San Simon at San Judas sa kanilang misyon. Naglakbay sila sa mga malalayong lugar upang ipangaral ang pag-ibig ni Kristo. Dahil sila mismo ay saksi sa mga himala, pagkamatay, at pagkabuhay ng Panginoon, maraming naniwala sa kanilang mga aral. Sa huli, sabay silang nag-alay ng buhay para sa pananampalataya at naging mga martir ni Kristo.

๐Ÿง  Fun Fact: Si San Judas Tadeo ay kadalasang ipinapakita sa larawan na may hawak na medalyon na may larawan ni Hesus bilang tanda ng kanyang tapat na pagmamahal.

๐Ÿ‘ฆ๐Ÿฝ๐Ÿ‘ง๐Ÿฝ Munting Gawain

โœ… Ipagdasal ang mga taong nalulungkot o nawawalan ng pag-asa.
โœ… Maging tapat at matulungin sa iyong mga kaibigan tulad nina San Simon at San Judas.
โœ… Tulungan ang iba na makilala si Hesus sa simpleng pagbabahagi ng kabutihan at mabuting salita.

๐Ÿ™ Manalangin Tayo

+ Panginoong Hesus, salamat sa mga halimbawa nina San Simon at San Judas Tadeo. Tulungan Mo kaming maging masigasig sa pananampalataya at maging ilaw sa aming pamilya at mga kaibigan. Amen.


๐Ÿ“š Sanggunian:

  • Vatican News โ€“ Saints Simon and Jude
  • EWTN โ€“ St. Simon and St. Jude
  • Catholic News Agency โ€“ Saints Simon and Jude

NilayGabay

Ika-4 na Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay | Kapistahan ng Mabuting Pastol

Ikatlong Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ikalawang Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay