Paggunita kay San Roberto Belarmino, Obispo at Pantas ng Simbahan


Si Roberto Belarmino ay ipinanganak noong 1542 sa Italya. Bata pa lang siya ay mahilig na siyang magbasa ng Biblia at makinig sa mga turo tungkol kay Hesus. Pumasok siya sa Society of Jesus (mga Heswita) at naging pari. Kilala siya bilang mahusay na guro at manunulat na tumulong ipaliwanag ang pananampalataya ng Simbahan, lalo na laban sa mga maling aral noong kanyang panahon.

Naging Kardinal si San Roberto at palaging kasama ng Santo Papa sa paggawa ng mahahalagang desisyon para sa Simbahan. Pero kahit mataas ang kanyang posisyon, siya ay namuhay nang simple, masipag magdasal, at may malasakit sa mahihirap. Namatay siya noong 1621 at kinilalang Santo at Doctor of the Church dahil sa kanyang malalim na talino at tapat na paglilingkod kay Hesus.

💡#alammoba | Alam mo ba na isa sa mga tanyag na siyentipikong nakatunggali ni San Roberto ukol sa mga turo ng simbahan ay si Galileo?


📚 Mga Sanggunian:

NilayGabay