Paggunita kay San Maximiliano Kolbe


Si St. Maximillian Kolbe ay ipinanganak na si Raymund Kolbe sa isang mahirap na pamilya noong 1914 sa Poland. Salat man sa yaman ang kanilang pamilya ay napakayabong naman ng kanilang pananampalataya.

Malalim ang debosyon ni St. Maximillian Kolbe kay Inang Maria kaya’t noong na ordinahan siyang Franciscan priest ay pinalitan niya ang kanyang pangalan na “Maximillian Maria”. Matapos ang kanyang pag-aaral sa Roma ay bumalik siya ng Poland at gumamit siya ng mga modernong imprenta upang mangaral ng Mabuting Balita. Gumawa siya ng buwanang newsletter na kalaunan ay naging araw-araw na labas tulad ng diyaryo.

Noong World War II ay tumulong si St. Maximillian na magtago ng mahigit kumulang 2,000 na hudyo sa kanyang monasteryo. Noong 1941, ay nahuli siya ng mga Nazi at pinahirapan.

Isang araw ay may mga presong nakatakas sa bilangguan ng mga Nazi. Bilang parusa ay kumuha ng 10 katao ang mga kumander upang gutumin hanggang mamatay. Boluntaryong ipinalit ni St. Maximillian ang kanyang sarili kapalit ng isang preso. Araw araw ay nagmimisa siya para sa mga nahatulang mamatay. Kalaunan ay nilason siya sa pamamagitan ng lethal injection.

Noong 1982, sa kanonisasyon ni St. Maximillian Kolbe ay tinagurian siya ni Pope John Paul II na “martyr of charity” at naroon sa selebrasyong iyon si Franciszek Gajowniczek, ang preso na iniligtas ni St. Maximillian Kolbe sa kamatayan sa kamay ng mga Nazi.

San Maximiliano Maria Kolbe, larawan ng pag-ibig ng Diyos sa kapwa. Sa iyong puso at isipan nanahan ang mga salita ng Panginoong Hesus, “walang dakilang pagmamahal kaysa sa pag-aalay ng buhay sa kaibigan.”

Mabuting San Maximilian Maria Kolbe, dakilang pari at kaibigan, sa harapan ng kamatayan hindi takot kundi pagmamahal ang ipinamalas.

nialay mo ang iyong buhay para lamang masagip ang iba, tulad ni Hesus, dumanak ang iyong dugo na dumilig sa pananampataya ng nakararami.

O San Maximilian Maria Kolbe, ituro mo sa amin ang daan patungo sa Diyos, nang walang pag-iimbot ngunit puno ng pagmamahal at kahandaan na mag-alay ng buhay para sa iba. Amen.

Source

NilayGabay

Ika-4 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay