Paggunita kay San Lukas, Manunulat ng Mabuting Balita


Si St. Luke o San Lucas Ebanghelista ang sumulat ng ikatlong Ebanghelyo sa buhay ni Hesus. Bagamat hindi sila nagkakilalang personal ay nakilala ni San Lucas si Hesus sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga saksi sa Kanyang buhay, kamatayan at muling pagkabuhay. Nang marinig ni San Lucas ang mga kwento ay napaniwala siya sa pagliligtas ni Hesus kaya’t isinulat niya ang lahat ng ito upang malaman din ng iba.

Si San Lucas ay manggagamot at nakasama sa misyon at paglalakbay si St. Paul o San Pablo. Tinawag ni San Pablo na minamahal niyang manggagamot sa Colossians 4:14. Dahil dito, naging patron si San Lucas ng mga doktor at manggagamot. Si San Lucas ay patron din ng mga artists o manlilikhang sining dahil sa pagpinta niya ng larawan ni Inang Maria.

Sa Ebanghelyo ni San Lucas, nakilala natin si Hesus na may malalim na pagmamahal at pag-aaruga sa mga may sakit, mahihihirap at lahat ng nangangailangan ng awa at pagpapatawad. Isa sa mga pinaka tanyag sa kwento sa Ebanghelyo ni San Lucas ay ang “Mabuting Samaritano” at “Ang Alibughang Anak” o “Prodigal Son”

Si San Lucas din ang may akda ng “Mga Gawa” o “Acts of the Apostles” kung saan natin natutuhan ang pagdating ng Espiritu Santo, mga gawain ng mga Apostoles lalo na ni San Pablo at kung paano unti unting lumalaki ang simbahan sa mundo.


+ O San Lucas, mahal naming manggagamot at tapat na tagasunod ni Kristo, ipanalangin mo kami upang tumibay ang aming pananampalataya, matamo ang kagalingan ng aming katawan at kaluluwa, at maipahayag namin ang Mabuting Balita na may buong tapang at pagmamahal.

Gabayan mo ang aming puso na maging maawain, gaya ng iyong pagmamalasakit sa kapwa. Itinataas namin ito sa ngalan ni Kristo na aming Panginoon, Amen.

SAN LUCAS Evangelista, ipanalangin mo po kami!

Source

NilayGabay

Ika-4 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay