๐๏ธ Araw ng Kapistahan: September 27
๐ก๏ธ Patron ng mga Pilipino, Sakristan at mga OFW (Overseas Filipino Workers)
๐ก#alammoba | Alam mo ba na si San Lorenzo ay nagsilbing sakristan sa Binondo Church at kalaunang naging eskribano.
Si San Lorenzo Ruiz ang unang Pilipinong santo at martir. Siyaโy sakristan at manunulat sa simbahan na naging tapat kay Hesus at kay Inang Maria hanggang sa huli. Nang dumating ang oras ng matinding pagsubok sa Japan, hindi niya ikinaila ang kanyang pananampalataya โ kahit kapalit nito ay ang kanyang buhay.
๐ฅ Ang tapang at pananampalataya ni Lorenzo ay nagpapakita na kahit tayong mga ordinaryong tao ay tinatawag ni Hesus na maging matatag, tapat, at handang magmahal nang buo.

๐ PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ DE MANILA
+ O nakahahalinang San Lorenzo Ruiz, na ang buhay ay tunay na nakatatawag pansin dahil sa mga hiwagang naidulot sa iyong pamamagitan; ikaw na sa pag-alis sa Maynila patungong ibang bansa ay sumama sa mga misyonero hanggang sa ikaw na rin ay naging tagapagdala ng sulo ng pananampalataya idalangin mo ako na sanaโy hindi ako manghinawa sa pagtupad ng aking mga tungkulin bilang Kristiyano at laging hawakan ng matayog ang watawat ng Kristiyanismo. Amen.
San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami.
๐ Sanggunian:
Catechism of the Catholic Church, Libreria Editrice Vaticana, 1994.
Vatican News, St. Lorenzo Ruiz and companions, martyrs (https://www.vaticannews.va).
Catholic Bishopsโ Conference of the Philippines (CBCP), Life of St. Lorenzo Ruiz.