Paggunita kay San Juan Pablo II


Marami sa mga nakakakilala sa batang Karol Wojtyla sa Poland ang nag-akalang siya’y lalaking artista o manunulat. Sa halip, siya ay naging pari — at kalaunan, Santo Papa. Noong nasa kolehiyo siya ay nag-aral siya ng kursong drama ngunit hindi natapos dahil sa World War II.

Noong siya ay 22 years old ay napagnilayan niyang tinatawag siyang maging pari. Kaya’t kahit patago ay nagseminaryo siya at na-ordinahang pari.

Magaling siyang estudyante at pari kaya’t di nagtagal ay nakuha niya ang atensyon ng mga lider ng simbahan kaya’t ipinadala siya sa Roma para mag-aral. Naging napakabilis ng pag-angat niya sa posisyon at sa ilang taon ng paglilingkod ay naging Arsobispo ng Poland.

Malaki ang naiambag niya sa Vatican II kaya’t siya ay nahalal na Santo Papa. Kinuha ni Karol Wojtyla ang pangalang John Paul II.

27 years naging santo papa si St. John Paul. Marami siyang nagawa sa lahat ng napuntahan niyang lugar sa buong mundo. Mahal na mahal niya ang mga tao, nakikipag-hagikgikan sa mga bata… at nakikidalamhati sa piling ng mga malapit nang pumanaw. Sa sobrang pagmamahal niya sa mga kabataan ay inilunsad niya ang World Youth Day upang makapiling niya ang mga kabataan ng buong mundo.

Maramin siyang nagawa, mula sa pagtuturo, sa pagtulong sa mga lider ng mga bansa at sa pagpapabagsak ng komunismo sa Europe. Marami siyang dokumentong nilathala upang magturo sa pananampalataya at sumulat ng 5 libro.

Noong 2005, siya’ty namatay. Halos 3 milyong tao ang dumalo upang makiramay.

Ilang linggo lang ang nakalipas ay tinanggal ni Pope Benedict the XVI ang karaniwang paghihintay ng 5 taon bago masimulan ang proseso ng pagiging santo. Para sa kanya, saksi na ang buong mundo sa kabanalan ni St. John Paul II. Noong 2013 ay naging ganap na santo si St. John Paul II. Tinagurian siya ni Pope Francis na “Apostle of Mercy” at mabuti ehemplo sa ating lahat sa makabagong panahon.


πŸ™ PANALANGIN KAY ST. JOHN PAUL II

O, San Juan Pablo, mula sa bintana ng langit, ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagbabasbas! Basbasan mo ang Simbahang iyong minahal, pinaglingkuran, ginabayan, at buong-tapang na pinamunuan sa mga landas ng daigdig para ihatid si Hesus sa lahat at ang lahat kay Hesus. Basbasan mo ang mga kabataan, na iyong pinakamamahal. Tulungan mo silang muling mangarap, tulungan mo silang muling tumingala at hanapin ang ilaw na nagbibigay liwanag sa mga landas ng buhay dito sa daigdig.

Nawa’y basbasan mo ang mga pamilya, basbasan mo ang bawat pamilya! Nagbabala ka tungkol sa pananalakay ni Satanas laban dito sa itinatangi at kinikailangang banal na kisap na sinindihan ng Diyos sa lupa. San Juan Pablo, sa pamamagitan ng iyong panalangin, nawa’y pangalagaan mo ang pamilya at ang bawat buhay na nagbubunga mula sa pamilya.

Ipanalangin mo ang buong mundo, na hanggang ngayon ay markado pa rin ng tensyon, digmaan, at kawalan ng katarungan. Hinarap mo ang digmaan sa pamamagitan ng panawagan para sa pag-uusap at paghahasik ng mga punla ng pagmamahal: ipanalangin mo kami nang kami ay maging mga walang-pagod na tagapag-hasik ng kapayapaan.

O San Juan Pablo, mula sa binta ng langit, kung saan nakikita ka namin sa piling ni Maria, ipadala mo ang pagbabasbas ng Diyos dito sa aming lahat. Amen.


πŸ“š Sanggunian:

Source: http://saintsresource.com/john-paul-ii-pope

NilayGabay