🗓️ Araw ng Kapistahan: Oktubre 23
🛡️Patron ng mga military chaplain, hukom, at mga tagapayo sa batas
Ipinanganak si St. John Capistrano sa Italy noong 1385.
Si San Juan Capistrano ay ipinanganak noong 1386 sa Capestrano, Italya. Nag-aral siya ng abogasya at naging abogado. Dahil sa kanyang talino, itinalaga siya ni Haring Laislas ng Naples bilang gobernador ng Perugia. Ngunit nang magkaroon ng digmaan, siya ay pinagtaksilan at nakulong.
Pagkatapos ng kanyang pagkakakulong,pinili niyang ialay ang buhay sa Diyos at pumasok sa isang Franciscan community. Naging kamag-aral niya si San James of the March at naging estudyante ni San Bernardine of Siena, na nagturo sa kanya ng malalim na debosyon sa Banal na Pangalan ni Hesus at sa Mahal na Birheng Maria.
Bilang pari, naglakbay siya sa Italy, Germany, Austria, Hungary, Poland, at Russia, at nangaral tungkol sa kapatawaran at pagbabagong-buhay. Noong sumalakay si Mohammed II, siya ay sinugo ni Pope Callistus III upang manguna sa pagtatanggol ng mga Kristiyano sa Belgrade. Siya ay pitumpung taong gulang noon, ngunit nagtagumpay sila.
Namatay siya noong 1456, puno ng pananampalataya at tapang sa paglilingkod kay Kristo.
👧👦 Gawin natin!
✅ Magdasal para sa mga pari at sundalo na naglilingkod sa kapayapaan.
✅ Sabihin ang totoo kahit mahirap, tulad ng katapangan ni San Juan Capistrano.
✅ Magdasal araw-araw ng “Jesus, I trust in You” bilang tanda ng debosyon sa Banal na Pangalan ni Hesus.
🙏 Manalangin tayo…
San Juan Capistrano, turuan mo kaming maging matatag sa pananampalataya at matapang sa paggawa ng kabutihan. Amen
📚 Sanggunian:
https://www.catholic.org/saints/saint.php?saint_id=692
Vatican.va
EWTN – St. John of Capistrano
Franciscan Media – Saint John of Capistrano