Paggunita kay San Juan Bosco

๐Ÿ’ก #alammoba

๐Ÿ‘‰ Marunong si San Juan Bosco ng magic tricks, juggling, at tightrope walking! Ginagamit niya ang mga talentong ito para makuha ang atensyon ng mga bata sa kalye at pagkatapos ay tuturuan niya sila ng Catechism. ๐Ÿคนโ€โ™‚๏ธ

๐Ÿ‘‰ Isa siyang “dreamer.” Sa edad na siyam, nanaginip na siya tungkol sa kanyang misyon kung saan ang mga mababangis na hayop ay naging maamong tupa. ๐Ÿ‘

๐Ÿ‘‰ Siya ang nag-imbento ng “Preventive System” sa edukasyon na nakabase sa Reason, Religion, at Loving-kindness sa halip na pagpaparusa. โค๏ธ


Si San Juan Bosco ay isinilang noong 1815 sa Becchi, Italy sa isang mahirap na pamilya. Maaga siyang naulila sa ama kaya lumaki siyang may sipag at tiyaga sa gabay ng kanyang inang si Mama Margaret. Noong 1841, siya ay naging pari at doon nagsimula ang kanyang misyon sa Turin para sa mga batang napabayaan at nakatira sa kalye. Nakita niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga kabataan sa mga kulungan kaya nagpasya siyang itayo ang “Oratory” para sa kanila. Hindi lang pagkain at tirahan ang ibinigay niya, kundi edukasyon at pagmamahal ng isang tunay na ama. Itinatag niya ang Salesians of Don Bosco (SDB) at ang Daughters of Mary Help of Christians (FMA) upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya. Namatay siya noong 1888 sa edad na 73 habang nakapaligid ang kanyang mga mahal na “anak.” Dahil sa kanyang kabanalan at malasakit, kinanonisa siya ni Pope Pius XI noong Easter Sunday ng 1934. Hanggang ngayon, ay buhay na buhay pa rin ang kanyan mga pamanang paaralan at centers sa buong mundo.

๐Ÿ‘ฆ๐Ÿฝ๐Ÿ‘ง๐Ÿฝ Munting Gawain

Gawa ng mga Bata para kay San Juan Bosco:
โœ… Mag-aral nang Mabuti: Gawin ang homework nang maayos at may ngiti bilang pasasalamat sa pagkakataong makapag-aral. ๐Ÿ“

โœ… Maging Kaibigan sa Lahat: Lapitan ang isang kaklase o kalaro na mag-isa at ayain siyang makipaglaro. ๐Ÿค

โœ… Magdasal ng Hail Mary: Mag-alay ng maikling dasal para sa ibang mga bata na walang pamilya o hindi nakakapag-aral. ๐Ÿ™

๐Ÿ™ Manalangin Tayo

+ San Juan Bosco, ama at guro ng mga kabataan, ituro mo sa amin na mahalin si Hesus at ang Mahal na Birheng Maria nang buong puso. Tulungan mo kaming maging masaya sa paglilingkod sa kapwa at maging mabuting ehemplo sa aming kapwa kabataan. Amen. โœจ


๐Ÿ“š Sanggunian

  • Vatican.va (Biography of St. John Bosco)
  • CatholicNewsAgency.com
  • Salesians.org.au (The Life of Don Bosco)

NilayGabay