ποΈ Araw ng Kapistahan: Disyembre 3
π‘οΈ Patron ng mga misyonero, mga mandaragat, at mga bansang misyon tulad ng India at Japan
π‘ #AlamMoBa na…
π Si San Francisco Javier ay naglakbay sa India, Japan at Malaysia upang ipakilala si Hesus sa mga taong hindi pa nakakakilala sa Kanya.
π Isa siya sa unang miyembro ng Society of Jesus o mga Heswita kasama si San Ignacio de Loyola.
π Sa Japan, sinikap niyang matutunan ang wika ng mga tao para mas maipaliwanag ang Mabuting Balita sa paraang maiintindihan nila.
Ipinanganak si San Francisco Javier sa Spain noong 1506. Tinawag siya ng Diyos upang maging misyonero at naglakbay siya sa iba ibang bansa upang ipahayag ang pagmamahal ni Hesus. Marami siyang tinuruan, tinulungan at bininyagan sa kanyang paglalakbay. Siya ay kinilalang santo noong 1622 dahil sa kanyang kabutihan at matatag na pananampalataya.
π¦π½π§π½ Gawa para sa Mga Bata
β Magdasal para sa mga misyonero at pari na nasa malalayong lugar.
β Gumawa ng maliit na card o drawing para sa isang taong gusto mong ipagdasal.
β Mag share ng magandang kuwento tungkol kay Hesus sa isang kaibigan.
π Maikling Panalangin
+ San Francisco Javier, gabayan mo kami upang maging masigasig at masayahin sa pagbabahagi ng kabutihan at pagmamahal ni Hesus. Tulungan mo kaming maging matapang sa paggawa ng tama at maging liwanag sa aming pamilya at mga kaibigan. Amen.
π Sanggunian