Araw ng Kapistahan: July 18
Patron ng mga ospital, nars at may karamdaman
Kung tutuusin ay tila hindi mabibiliang si St. Camillus sa hanay ng mga santo. Namatay ang kanyang ina noong bata pa siya at pinabayaan siya ng kanyang ama. Lumaki siyang sugarol. Noong siya ay 17 yrs old ay nagkasakit siya sa binti na hindi na gagaling habambuhay.
Pumasok siya sa ospital ng San Giacomo bilang pasyente at trabahador ngunit pinaalis makalipas ang 9 buwan dahil siya’y palaaway. Matapos nito ay nagsundalo siya ng tatlong taon.
Noong siya’y 24 years old ay lumala na ang kanyang pagsusugal. Naubos na lahat ng kanyang naipon at walang natira. Nagtrabaho siya sa monasteryo ng Capuchin. Isang araw naantig ang kanyang puso sa isang sermon ng pari na binago ang kanyang buhay at pananampalataya at nagdesisyong pumasok bilang pari. Hindi siya tinanggap ng mga Capuchin dahil sa sugat sa kanyang binti na hindi gumagaling.
Bumalik siya sa pagtratrabaho sa ospital ng San Giacomo. Naging maayos na siya sa trabaho at nagkaroon ng malalim na pagmamahal at pagmamalasakit sa mga may karamdaman.
Sa payo ng kanyang kaibigan na si St. Philip Neri (San Felipe Neri) ay sumubok siya muling mag-aral bilang pari at naordinahan noong siya ay 34 years old. Siya ay nagtayo ng sarili niyang kongregasyon at ginugol niya ang kanyang buhay sa pangangalaga ng mga may karamdaman.
Naging masugid siya sa kanyang misyon. Bagama’t ang pagkakawang-gawa ang misyon niya ay ipinilit niya ang tuntunin na kailangang malinis ay may kaalaman ang lahat ng nangangalaga sa maysakit.
Ibinuhos ng kanyang congregasyon ang kanilang panahon upang pumunta sa mga kulungan upang gamutin ang mga bilanggo, ang mga taong nasa kanilang tahanan na hindi makapunta sa ospital. Dahil sa kailangan ang mga Camillians na Order of Clerks Regular, Ministers of the Infirm (M.I.), na kalaunan ay makikilala bilang Camillians. Sila ay sumusugod sa giyera upang gamuting ang mga sundalong nasugatan. Para madali silang makilala bilang mediko ay nakasoot sila ng itim na cassock na may pulang krus sa harap at tagiliran.
Sa giyera niya nasaksihan na may mga tao palang naililibing ng buhay sa kasagsagan ng giyera kaya’t sinimula ng kanilang congregasyon na ipagdasal ang namatay 15 minuto matapos ito yumao.
Hanggang sa dulo ng kanyang buhay ay inialay niya sa pangangalaga ng mga may karamdaman.
🙏 Manalangin tayo…

San Camilo, iyong sinabi na “ang mga dukha at ang mga may sakit ay mga puso ng Diyos” at sa paglilingkod sa kanila kami ay naglilingkod kay Kristo Hesus.
Sa aming paglilingkod sa mga maysakit, tulungan mo kami sa makita sa kanila ang larawan ni Hesus. Bigyan mo kami ng mga pusong nagmamahal, mga matang nakakaunawa, mga salitang nagbibigay-ginawa, at pananamapalatayang nakakapagpapasigla sa kanila.
Kung kami ay may karamdaman, tulungan mo kaming maiangat ang aming pagdurusa tungo sa paghilom, ang aming mga pangamba tungo sa pananalig, ang aming panghihina ng loob sa pagdarasal. Itulot mo na mabigyang halaga namin ang bawat handog at sandali na kaloob ng Diyos. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus. Amen!