🗓️ Kapistahan: Hunyo 13
🛡️ Patron ng mga nawawala at naghahanap, naglalakbay, mahihirap at naliligaw na kaluluwa. Tinatawag upang mahanap ang nawawalang mga bagay.
👶 Ipinanganak si Anthony sa Lisbon, Portugal noong 1195 sa isang mayaman at kagalang-galang na pamilya. Pero mas pinili niyang maglingkod sa Diyos kaysa sa kayamanan. Sa edad 15, naging Agustino siya at nagdasal at nag-aral ng Bibliya sa loob ng 11 taon!
🕊️ Nang makita niya ang mga martir na Franciscano mula sa Africa, ninais niyang sumama sa kanila. Gusto sana niyang ipangaral si Hesus sa Morocco, pero nagkasakit siya at napilitang bumalik. Habang pabalik ay nawala ang kanilang sinasakyang barko at napunta sa Italy.
⛪ Isang araw, bigla siyang naanyayahan na magbigay ng sermon. Bagamat hindi nakapag-handa ay namangha ang maraming tao! Tinawag na naman siya sa ibang gawain ng Panginoon. Naging napakagaling niya sa pagsesermon at pagtuturo ng Salita ng Panginoon at naging tanyag sa buong Italya at sa kanyang tahanang simbahan sa Padua.
👼 Namatay siya sa edad 36, at isang taon lang pagkatapos ay naging santo na siya dahil sa dami ng kababalaghang idinulot ng kanyang buhay at panalangin.
Karaniwang ipinapakita sa mga imahe at larawan ni St. Anthony de Padua na may karga-kargang batang Hesus. Sinasabi na isang araw ay nagkaroon siya ng pangitain ng Diyos bilang Niño. Dahil dito ay nagkaroon siya ng napakalalim na pagmamahal sa Salita ng Diyos.
💡 Trivia ni San Antonio!
👉 Kilala siya bilang “The Wonder-Worker” o tagagawa ng himala!
👉 Siya ang patron saint ng mga naghahanap ng nawawala—kahit bagay, tao, o pananampalataya.
👉 Siya ang unang Franciscano na ginawang ginawaran ng titulong Pantas ng Simbahan (Doctor of the Church)

🙏 Panalangin kay San Antonio de Padua
♱ Mahal na San Antonio de Padua, banal na santo ng mga nawawala at naghihirap, hinihingi ko ang iyong patnubay at tulong sa aking buhay.
Tulungan mo akong matagpuan ang mga nawawalang bagay, mga nawawalang oportunidad, at mga nawawalang puso. Patnubayan mo ako tungo sa tamang landas at bigyan ako ng lakas upang harapin ang aking mga hamon.
San Antonio de Padua, tulungan mo ako sa aking pagsisikap na sundin ang kalooban ng Diyos at gabayan mo ako sa paggawa ng kabutihan sa mundo.
Amen.
🤲 Gawa
✅ Tulungan ang isang kaibigan na hanapin ang gamit na nawawala. Magdasal kay San Antonio na gabayan kayo sa paghahahanap.
✅ Gumuhit o kulayan si San Antonio na may karga-kargang Batang Hesus at hawak na Bibliya.
✅ Sumulat ng liham kay San Antonio tungkol sa bagay na nawawala sa iyong puso—pag-asa ba, kapayapaan, o kaibigan…
📚 Sanggunian
SaintsResource.com – Anthony of Padua
Catholic Encyclopedia – St. Anthony of Padua (NewAdvent.org)
Catechism of the Catholic Church – Intercession of Saints (CCC 956)
Acts of the Saints / Franciscan Sources