ποΈ Araw ng Kapistahan: Nov 30
π‘οΈ Patron ng mga mangingisda at manlalayag
π‘ #AlamMoBa na isa si San Andres sa mga naunang apostol na tinawag at sumunod kay Hesus?
Si Andres ay ipinanganak sa Bethsaida sa Galilea at siya ay mangingisda bago tawagin ng Panginoong Hesus. Kasama niya sa pangingisda ang kapatid niyang si San Pedro. Nang marinig niya na si Hesus ang Kordero ng Diyos, sumunod siya kaagad at naging masigasig na tagapagbahagi ng Mabuting Balita. Isa siya sa Labindalawang Apostol at naglakbay sa ibaβt ibang lugar upang ipakilala si Hesus sa maraming tao.
π Madalas ipinapakita si San Andres na may krus na hugis X, na tinatawag ding St. Andrewβs Cross, dahil ito ang uri ng krus kung saan siya namartir.
π Dahil siya ay mangingisda, tinawag siyang patron ng mga mangingisda at manlalayag. Paalala ito na tulad niya, tayo rin ay maaaring maging βmangingisda ng taoβ sa pamamagitan ng pagmamahal, kabutihan at pagsunod sa Diyos.
π¦π½π§π½ Gawa
β
Maging masunurin sa tawag ng Diyos sa maliliit na bagay, tulad ng pagtulong sa bahay o sa kapatid.
β
Gumawa ng isang maliit na kabutihan ngayong araw bilang alay para sa Diyos, tulad ng paghingi ng tawad o pag-abot ng tulong sa nangangailangan
π Manalangin tayo…
+ O Diyos, salamat sa halimbawa ni San Andres na unang tumugon sa tawag ni Hesus. Nawa matuto rin kami maging masunurin, matapang at mapagmahal tulad niya. Amen. π
π Sanggunian:
Catholic Encyclopedia β New Advent
Catholic Online
Vatican News