Paggunita kay Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano

🌹 Araw ng Kapistahan: May 24

💬 “Kung kailangan mo ng tulong, lumapit ka kay Maria!” – San Juan Bosco




📖 Kuwento ni Maria


🤲 Noong unang panahon, maraming Kristiyano ang dumaranas ng pagsubok at pag-uusig. Sa gitna ng mga panganib, tumawag sila kay Maria, at naniwala silang ipinagdasal sila ng Mahal na Ina upang maligtas. Kaya’t noong 1815, tinawag si Maria bilang “Tulong ng mga Kristiyano” ni San Juan Bosco, isang pari na nag-alaga at nagturo sa maraming bata.

💙 Noong 1868, ipinatayo ni St. John Bosco ang isang napakalaking basilika sa Turin, Italy, bilang karangalan ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano. ⛪ Sa loob nito, nagpagawa siya ng isang espesyal na larawan ni Maria — nakaupo Siya bilang Ina ng Diyos, at sa paligid Niya ay ang mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

🏵️ Itinatag din ni Don Bosco ang Daughters of Mary, Help of Christians, isang religious order na tumutulong sa mga bata at kababaihan — sa pangalan ni Maria!

📌 Trivia Time!
Alam mo ba? Si Pope Pius VII mismo ang nagpahayag ng kapistahan ni Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano noong 1815 bilang pasasalamat sa pagpapalaya at pagpbabalik sa kanya sa Roma mula sa pagkakabilanggo ni Emperor Napoleon ng France.

🙏 Manalangin tayo…

† O Maria Mapag-ampon ng mga Kristiyano, aming ina, tulong namin sa lahat ng panahon, patnubayan mo kami sa bawat oras ng aming buhay, lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang matapos na purihin at mahalin ka sa lupa, kami’y karapat-dapat na umuwi sa langit at doo’y awitin at purihin ang iyong malaking awa. Amen.

✅ Tatlong Gawain ng mga Bata para Kay Maria:


🌹 Mag-alay ng bulaklak kay Maria sa inyong altar o simbahan bilang tanda ng pagmamahal.
🙏 Magdasal ng iSanto Rosaryo kasama ang pamilya
🎨 Gumuhit larawan ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano at Isulat sa tabi ang iyong panalangin.


📚 Sanggunian:

  • Vatican News – https://www.vaticannews.va
  • New Advent Catholic Encyclopedia – https://www.newadvent.org/cathen/15464b.htm
  • Salesians of Don Bosco – https://www.sdb.org
  • Basilica of Mary Help of Christians – https://www.basilicamariaausiliatrice.it

NilayGabay

Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw ng Paghahanda

Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda