Paggunita kay Apostol San Mateo


Ang isinulat na Ebanghelyo ni San Mateo ang unang lumabas na libro sa bibliya. Noong panahon ni Hesus, maraming tumutuligsa sa kanya dahil sa siya ay isang publikano o naniningil ng buwis ng mga Hudyo. Naniniwala sila na hindi makatarungan at puno ng pandaraya ang pagbabayad ng buwis dahil karaniwang naniningil sila ng labis upang nakawin ang sobra.

Isa sa mga kwento ni San Mateo sa kanyang libro ay kung paano siya tinawag ni Hesus para maging tagasunod niya. Inilarawan niya ang pagkadismaya ng mga tao sa pagkakapili sa kanya. Ngunit sa kalooban ni Hesus ay nararapat at sapat na si Hesus upang maging apostoles Niya.

Isinulat ni San Mateo ang kwento ni Hesus para sa mga Hudyong naging tagasunod ni Kristo. Gusto niyang ipahayag sa lahat ng makakabasa ng kwento ni Hesus na Siya ay sugo upang iligtas ang sanlibutan. Si Hesus ang kaganapan ng lahat ng propesiya sa lumang tipan (old testament).


Si San Mateo lang ang sumulat ng 8 “Beatitudes” upang ilarawan kung sino ang mga tunay pinagpapala sa mata ng Diyos Ama sa langit.

Nang umakyat na si Hesus sa langit ay ipinagpatuloy ni San Mateo ang pangangaral ng Mabuting balita at namatay na isang martir ng pananampalataya.

Siya ay patron ng mga accountant at mga nagtatrabaho sa banko dahil nga sa siya ay naging tax collector ngunit kung susuriin ang kanyang kwento ay hindi naging mahalaga sa kanya ang salapi. Ang importante sa kanya ay ang pananampalataya ay pagsunod kay Kristo. Naroon ang tunay na kayamanan nating mga tao.


+ O Dakilang San Mateo, tapat na apostol ni Kristo at manunulat ng Ebanghelyo, ipanalangin mo kami sa harap ng Panginoon. Patnubayan mo kami sa pagsunod sa tawag ni Hesus, tulad ng ginawa mo, iniwan ang lahat para sa Kanyang katotohanan. Tulungan mo kaming maging mapagpakumbaba at mahabagin, at ipamahagi ang pag-ibig ng Diyos sa mga nangangailangan. Ipanalangin mo nawa’y mamuhay kami ng may matibay na pananampalataya, tiwala, at pagsunod tulad ng iyong ipinakita sa paglilingkod sa Diyos. Amen.

NilayGabay

Ika-4 na Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay | Kapistahan ng Mabuting Pastol

Ikatlong Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ikalawang Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay