Ang mga Archangel o Arkangel ay mga espesyal na anghel ng Panginoon ay mga mensahero na may iba’t ibang trabaho. Isa sila sa may pinaka mataas na katungkulan sa hanay ng mga anghel.
Sa kanilang kapistahan, inaalala natin ang paggabay ng Panginoon sa ating paglalakbay patungo sa buhay na walang hanggan.

San Miguel 🛡️ Patron ng mga sundalo, pulis at doktor
Manalangin at humingi tayo ng tulong kay San Miguel sa harap ng matinding temptasyon o panganib.

San Gabriel 🛡️ Patron ng mga mensahero, nagtatrabaho sa komunikasyon, kartero o Postal Workers
Manalangin tayo kay San Gabriel upang tulungan tayong tumugon ng “oo” sa tawag ng Diyos tulad ni Maria.

San Rafael 🛡️ Patron ng mga bulag, mga masasayang tagpo, manlalakbay, doktor at nars
Itaas natin sa kanya ang panalangin ng agarang ginhawa at lunas sa mga nararamdaman na sakit.