Paggunita kay Santa Kateri Tekakwitha


Ipinanganak noong 1656 sa New York, si Santa Kateri ay anak ng isang Katolikong ina at isang mandirigmang Mohawk. Noong bata pa siya, namatay ang kanyang mga magulang at kapatid dahil sa smallpox. Siya rin ay nagkasakit, at iniwan ng sakit ang kanyang mukha na may maraming peklat kaya’t madalas siyang asarin ng kanyang mga kalaro.

Sa edad na 18, nakilala niya ang mga Jesuit missionaries at buong puso siyang naniwala kay Hesus. Pinili niyang maging Katoliko at nagpakabuti kahit nilalait siya ng kanyang mga kababayan. Sa edad na 20, lumipat siya sa Canada kung saan nagturo siya ng katekismo sa mga bata at nag-alaga sa mga matatanda at may sakit.

Malalim ang pananampalataya ni Santa Kateri—nagdadasal, nag-aayuno, at nagsasakripisyo para sa kaligtasan ng kanyang lahi. Namatay siya sa edad na 24. Ayon sa mga saksi, nang siya’y pawian ng buhay ay nawala lahat ng peklat sa kanyang mukha at naging maganda siyang muli. Tinawag siyang “Lily of the Mohawks.”

🙏 Manalangin tayo…

♱ Santa Kateri, matapang kang nagmahal kay Hesus at inalagaan ang mga taong nangangailangan. Nawa’y matularan ka namin sa pananampalataya at sa pag-aalaga sa ating kapwa. Turuan mo rin kami na mahalin ang kalikasan na likha ng Diyos — ang lupa, hangin, tubig, at mga hayop at kapaligiran. Amen.

🤲 Gawa para sa mga bata:

◻️ Masdan ang kalikasan at magpasalamat sa likha ng Diyos
◻️ Magtanim ng halaman o puno
◻️ Magsimula mag-recycle


📚 Mga Sanggunian:

Vatican.va: Biography of St. Kateri

Franciscan Media: St. Kateri Tekakwitha

Loyola Press: Kateri Tekakwitha

NilayGabay

Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw ng Paghahanda

Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda