Kapistahan ni Santa Maria Goretti

๐Ÿ—“๏ธ Araw ng Kapistahan: Hulyo 6

๐Ÿ›ก๏ธ Patron ng Kabataan, Dalaga, Biktima ng Pang-aabuso, at Pagpapatawad


๐Ÿ’ก #alammoba

๐Ÿ‘‰ Si Santa Maria Goretti ang isa sa pinakabatang kinikilalang santo sa Simbahang Katolika, pumanaw siya sa edad na 11 taong gulang lamang.

๐Ÿ‘‰ Ang kanyang nanay na si Assunta Goretti ay dumalo sa mismong kanonisasyon ng kanyang anak, na kauna-unahang beses na nangyari sa kasaysayan ng Simbahan.

๐Ÿ‘‰ Sa kanyang kanonisasyon noong 1950 sa St. Peter’s Square, umabot sa humigit-kumulang 500,000 na tao ang dumalo kaya kinailangang gawin ang seremonya sa labas ng basilica.


Isinilang si Santa Maria Goretti noong Oktubre 16, 1890 sa Corinaldo, Italya sa isang mahirap ngunit masampalatayang pamilyang magsasaka. Siyam na taong gulang pa lamang si Santa Maria nang maulila sa ama kaya kinailangan niyang tumulong sa pag-aalaga ng pamilya at gawaing-bahay.

Lumipat silang mag-iina at mga kapatid sa isang gusali kung saan may nakatira ring mag-ama, at ang anak nito ay si Alessandro na noo’y 20 taong gulang na. Matagal nang pinagnanasahan ni Alessandro si Santa Maria kaya’t labis ang takot ng bata sa kanya.

Noong Hulyo 5, 1902, nang minsang natiyempuhan siyang nag-iisa, tinangka siyang gahasain ni Alessandro ngunit buong tapang siyang nanlaban upang pangalagaan ang kalinisang ipinagkaloob ng Diyos.

Dahil dito ay galit na sinaksak siya ni Alessandro nang 14 na beses. Bago siya pumanaw noong Hulyo 6, 1902, buong pusong sinabi ni Santa Maria sa kanyang ina na pinatatawad niya si Alessandro at tumanggap muna siya ng Banal na Komunyon.

Hinatulan ng 30 taong pagkabilanggo si Alessandro, kung saan napanaginipan niya si Maria na nag-aabot sa kanya ng mga puting liryo na naging daan ng kanyang lubos na pagsisi at pagbabagong-buhay.

Nang makalabas sa kulungan, personal na humingi ng tawad si Alessandro sa ina ni Maria at naging isang lay brother sa monasteryo. Idineklara siyang santo ni Papa Pio XII noong Hunyo 24, 1950 dahil sa kanyang natatanging katapatan sa Diyos at dakilang pagpapatawad.


๐Ÿ‘ฆ๐Ÿฝ๐Ÿ‘ง๐Ÿฝ Munting Gawain

โœ… Mag-alay ng maikling panalangin para sa mga kapwa bata na nakakaranas ng pagsubok o pang-aabuso.

โœ… Gumawa ng simpleng kard o sulat ng pagpapatawad sa isang kaibigan o kapatid na nakatampuhan.

โœ… Mag-alok ng tulong sa mga magulang sa mga gawaing-bahay nang may ngiti at kusang-loob katulad ni Santa Maria.

๐Ÿ™ Manalangin Tayo

+ Panginoong Hesus, nagpapasalamat kami sa halimbawa ng dalisay na pananampalataya at pagpapatawad ni Santa Maria Goretti. Ipagkaloob Mo po sa aming mga kabataan ang lakas ng loob na panatilihing malinis ang aming puso at kaisipan sa gitna ng mga tukso. Turuan Mo rin po kaming matutong magpatawad sa mga nagkakasala sa amin, katulad ng buong-pusong pagpapatawad ni Santa Maria sa nakapanakit sa kanya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


๐Ÿ“š Sanggunian

  • CatholicNewsAgency.com
  • Vatican.va
  • FranciscanMedia.org
  • Catholic.org