๐ #saintoftheday | May 14 | Kapistahan ni San Matias, Apostol
๐ก๏ธ Patron ng mga karpintero, sastre, at ng mga humihiling ng pagtitiyaga at pag-asa
Bagamat hindi kabilang sa orihinal na labindalawang apostoles, si San Matias ay saksi sa ilang pangyayari sa buhay at ministeryo ni Hesusโmula sa Kanyang pagbibinyag hanggang sa pag-akyat sa langit. Nang mawala si Judas, si Matias ang napili ng mga apostol na humalili. Hindi man siya sikat sa kwento, ang kanyang buhay ay paalala na ang tahimik na katapatan ay mahalaga sa Kaharian ng Diyos. Ayon sa tradisyon, tinuro ni San Matias ang halaga ng pagpipigil sa sarili at pagyabong ng pananampalataya at karunungan.
๐ Manalangin tayo…
+ San Matias, tulungan Mo po kaming maging tapat kahit sa mga tahimik na gawain. Sa pamamagitan ng Iyong halimbawa, nawa’y matutuhan naming magtiyaga kahit hindi kami napapansin at di mawalang ng pag-asa! Amen.
San Matias, Apostol ng Pagtitiyaga at Pag-asa, ipanalangin Mo kami!
๐ Mga Gawa para sa mga bata:
Ngayong Kapistahan ni San Matias, subukan nating maging tulad Niyaโtahimik pero totoo sa misyon.
โ Ibahagi ang kuwento ni San Matias sa isang kaibigan
โ Tapusin mo ang isang gawain na dati mong kinatamaran o sinukuan.
โ kumatha ng panalangin na maging mas matiyaga at di nawawalan ng pag-asa