Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos

Itinalaga ng Simbahang Katolika ang unang araw ng taon, Jan 1, na parangalan si Inang Maria bilang Ina ng Diyos. Ginugunita ng kapistahang ito ang doktrina ng simbahan na si Hesus na isinilang ni Inang Maria ay tao at Diyos.

Bilang mga bata, maaari nating ipagdiwang ang araw na ito sa pamamagitan ng pagsisimba kasama ng pamilya at pag-aalay ng panalangin kay Inang Maria. Hingin natin na tulad niya, maging bukas ang ating mga puso’t isipan sa kalooban ng Diyos para sa ating buhay.

🙏 Manalangin tayo

+ Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoon ay sumasaiyo, bukod kang pinag-pala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang Anak mong si Hesus.

Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming mga makasalana, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen. +

Source

NilayGabay

Ika-4 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay