ποΈ Araw ng Kapistahan: Pebrero 2
π‘οΈPatron ng: mga gumagawa ng kandila, at mga ina.
π‘ #alammoba
π Eksaktong 40 araw matapos ang Pasko (Disyembre 25) ang kapistahang ito. Ito ay pagsunod sa batas ni Moises para sa paghahandog ng panganay na lalaki sa Diyos.
π Tinatawag din itong “Candlemas” dahil bago ang Misa, may tradisyon ng pagbabasbas ng mga kandila na sumasagisag kay Hesus bilang “Liwanag ng Sanlibutan.”
π Ito ang huling “exit point” ng Pasko sa ibang tradisyon. Dito opisyal na tinatago ang mga imahe ng Sanggol na Hesus (NiΓ±o) bilang paghahanda naman sa panahon ng Kuwaresma.
Ngayon ang Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo o ang Presentation of our Lord at the Temple. βοΈβοΈβοΈ Ginugunita sa araw na ito ang pagdadala ni San Jose at ni Inang Maria kay Hesus sa Templo upang mabendisyunan. Ito ay naganap 40 na araw pagkasilang ni Hesus noong Pasko ayon sa mga kaugalian noong panahong iyon sa Judaismo. π
βΌοΈ Kilala rin ang kapistahang ito bilang Candlemas π― kung saan may espesyal na bendisyon para sa mga kandila na iniuuwi ng mga Katoliko sa kanilang mga tahanan upang gamitin sa buong taon tuwing nagdadasal. Sinisimbolo nito si Kristo bilang ilaw ng mundo.
π¦π½π§π½ Munting Gawain:
β Magdala ng kandila sa simbahan upang pabasbasan at ilagay ito sa inyong altar sa bahay.
β Magdasal ng isang maikling pasasalamat para sa mga pari at madre na nag-alay ng buhay sa Diyos.
β Gumuhit o mag-color ng larawan ng kandila at isulat ang “Si Hesus ang aking Liwanag.”
π Manalangin Tayo
+ Panginoong Hesus, Ikaw ang Liwanag na tumatanglaw sa aming madilim na mundo. Tulad nina Simeon at Ana, nawa ay lagi ka naming hanapin at makilala sa aming kapwa. Pagpalain Mo ang aming mga pamilya at panatilihing maningas ang aming pananampalataya sa Iyo. Amen.
π Sanggunian: Vatican.va (Homilies on the Feast of the Presentation) π FranciscanMedia.org (Saint of the Day: Presentation of the Lord) π CatholicNewsAgency.com (Everything you need to know about Candlemas)