Ipinagdiriwang natin ngayon ang isang masayang tagpo sa buhay ni Maria—ang Pagbisita niya sa kanyang pinsan na si Elisabet. ✨ Pareho silang buntis!
-
👩🏼🦰 Si Maria, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ay ipinagbubuntis si Hesus.
👵 Si Elisabet, kahit matanda na, ay ipinagbubuntis si San Juan Bautista.
Nang dumating si Maria sa bahay ni Elisabet, lumundag sa tuwa si Juan na nasa sinapupunan ng kanyang ina! Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet at sinabi niya: 📖 “Mapalad ka sa lahat ng babae, at mapalad ang sanggol na iyong dinadala!” [Lucas 1:42]

🎵 Awit ng Papuri ni Maria (Magnificat)
Mula sa tagpong ito nasabi ni Maria ang tinaguriang Magnificat o Awit ng Papuri ni Maria [hango sa Lucas 1:46-55]:
Sinabi ni Maria,
“Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon,
at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang abang kalagayan ng kanyang alipin.
Sapagkat tiyak na mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng salinlahi.
🙏 Manalangin tayo…
♱ Mahal na Maria, salamat po sa Iyong masayang pagdalaw at pagtulong. Tulungan Ninyo po ako na maging mapagmalasakit at masayahin tulad Ninyo. At nawa sa lahat ng gawain ko ay dakilain ng buo kong pagkatao ang Panginoon! Amen.
🤲 Gawa
✅ Bumisita sa lolo, lola, o kaibigan. Makipagkuwentuhan at pasayahin sila.
✅ Sumulat ng liham para pasalamatan si Maria sa kanyang kabutihan. Hilingin na tayo’y kanya ring bisitahin
✅ Gumuhit ng larawan ni Maria at Elisabet na nagkita. Kulayan.