Kapistahan ng Pagbabagong Anyo ni Hesus


πŸŒ„ Nagbabago ang anyo ng tao sa pamamagitan ng pag-iiba ng buhok, mukha o pananamit. Iba ang nasaksihang pagbabago ni Hesus sa bundok nina Pedro, Santiago at Juan. Nagliwanag ang Kanyang puting puting damit at lumitaw sina Moises at Elias. Lumilinaw na sa puntong ito ang misyon ni Hesus sa mundo: ang mamatay at muling mabuhay para sa ating kaligtasan. Hindi man lubusan itong matanggap ng mga apostoles Niya ay binigyan sila ng Panginoon ng pag-asa sa kaluwalhatiang naghihintay sa Langit para sa lahat.


πŸ“– #AngSabiNiLord | β€œIto ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong pakinggan.” Lucas 9:35 🀲


πŸ™ Panalangin | + O Panginoon, nagapapsalamat kami sa pag-asa ng kaluwalhatiang ipinapakita Mo sa amin. Tulungan Niyo po kami na makinig at isabuhay ang pangaral ng Inyong Anak. Amen

NilayGabay

Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw ng Paghahanda

Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda