🗓️ Araw ng Kapistahan: Enero 9
🛡️ Patron: ng mga dukha, maysakit, bilanggo, at lahat ng humihingi ng lakas sa gitna ng paghihirap
💡 #AlamMoBa
- Ang imahe ng Mahal na Poong Nazareno ay isang itim na kahoy na rebulto ni Hesus na pasan ang krus, na dinala sa Pilipinas mula Mexico noong 1600s.
- Ang taunang Traslacion sa Quiapo ay isa sa pinakamalalaking debosyong Katoliko sa buong mundo.
Enero 9 ang fiesta ng Mahal na Poong Nazareno sa Pilipinas dahil ito ang petsang iniuugnay sa Translacion. Ang Translacion ay ang taunang paggunita ng solemn transfer ng imahe ni Hesus sa katauhan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno mula Intramuros papunta sa kanyang dambana sa Quiapo, kaya ito ang naging fixed date ng pinakamalaking prusisyon at kapistahan. 🙏
✨ Sama-sama nating ipagdiwang ang kapistahang ito nang may pananampalataya, pag-asa, at malasakit sa kapwa.
👦🏽👧🏽 Munting Gawain
✅ Manalangin para sa may sakit o nahihirapan at magbigay ng munting sakripisyo.
✅ Gumuhit ng larawan ni Hesus na may krus at isulat kung paano Siya tinutularan araw-araw.
𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗭𝗔𝗥𝗘𝗡𝗢
+ Katamis-tamisang Jesus Nazareno Diyos at Manunubos ko, na naglalakbay sa Kalbaryong pasan-pasan Mo ang Krus na pagpapakuan sa Iyo. Akong abang makasalanan, na naging dahilan ng Iyong di masayod na hirap ay nagpupuri sa Iyo at nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap Mo sa ibabaw ng Iyong balikat ang kahoy ng Iyong kamatayan upang doon mawakasan ang aking mga kasalanan at ng sandaigdigan. Patawarin mo ako, O Butihing Jesus; inaamin ko ang aking mga sala at ako’y nananalig na dahil sa kabutihan Mong walang kahulilip ay hugasan Mo ng Iyong Dugo. Iniibig Kita ng higit sa lahat ng bagay, ipinangangako na ako’y magiging matapat hanggang sa oras ng aking kamatayan. Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng Iyong biyaya at ihatid Mo ako sa landas ng Iyong mga Utos diyan sa Iyong Langit na Kaharian. Sya Nawa. +
📚 Sanggunian:
- Vatican.va
- CatholicNewsAgency.com
- Catholic.org
- FranciscanMedia.org