Kapistahan ng Birhen ng Lourdes

๐Ÿ—“๏ธ Araw ng Kapistahan: Pebrero 11

๐Ÿ›ก๏ธ Patrona ng: mga maysakit, mga ospital, at mga naghahanap ng kagalingan

๐Ÿ’ก #alammoba
๐Ÿ‘‰ Noong 1858, nagpakita ang Mahal na Birhen sa labing-walong beses sa isang simpleng batang babae na si Bernadette Soubirous sa kweba ng Massabielle.

๐Ÿ‘‰ Ang tubig mula sa bukal sa Lourdes ay walang espesyal na sangkap ayon sa siyensya, ngunit libu-libo na ang nakaranas ng milagrong paggaling matapos maligo o uminom dito.

๐Ÿ‘‰ Ipinakilala ng Mahal na Birhen ang kanyang sarili bilang ang Immaculate Conception sa kanyang pagpapakita rito.



Ang ating Mahal na Birhen ng Lourdes ay nagpakita sa isang mahirap at sakitin na bata na si Bernadette Soubirous sa France. Isinilang si Bernadette noong 1844 sa isang pamilyang sapat lang ang pamumuhay pero puno ng pagmamahal. Ang misyon ni Bernadette ay iparating ang mensahe ng panalangin at pagsisisi para sa mga makasalanan. Inutusan din siya ng Mahal na Ina na maghukay sa lupa kung saan biglang bumukal ang isang spring ng tubig na naging instrumento ng maraming himala. Kahit dumanas ng matinding pagtatanong at pagdududa mula sa mga awtoridad, nanatiling matatag si Bernadette sa kanyang kwento. Pumasok siya sa kumbento ng Sisters of Charity at doon ay namuhay nang may kababaang-loob hanggang sa kanyang kamatayan. Noong 1933, siya ay kinilala bilang isang ganap na Santo ni Pope Pius XI. Hanggang ngayon, milyon-milyong deboto ang pumupunta sa Lourdes para humingi ng kagalingan at pag-asa.

๐Ÿ‘ฆ๐Ÿฝ๐Ÿ‘ง๐Ÿฝ Munting Gawain
โœ… Manalangin ng Rosaryo at ialay ito sa maysakit
โœ… Gumuhit o magkulay ng isang grotto at isulat ang salitang โ€œWe love you Mama Mary.”
โœ… Sumulat ng Get well soon card at ibigay sa maysakit

๐Ÿ™ Manalangin tayo...

โ€  O mapagkalingang Birhen ng Lourdes, dumudulog kaming mga nagdadalamhatiโ€™t may karamdaman upang maginhawaan. Lubos kaming nagtitiwala na kamiโ€™y tutulungan ninyong gumaling. Kasabay ng panalanging ito, taglay ang maalab na pananampalataya, itinataas din namin ang mga kapatid naming may karamdaman: (banggitin ang pangalan ng maysakit)

Marami ang gumaling dahil sa pamimintuho sa iyo. Isama mo kami at ang mga mahal namin sa buhay na makaraos sa sakit ng aming katawan, pusoโ€™t isipan. Ilayo mo kami sa panganib at ibangon sa banig ng karamdaman upang makabalik sa paglilingkod sa iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman.


๐Ÿ“š Mga Pinagkunan:
Vatican.va
FranciscanMedia.org
CatholicNewsAgency.com

NilayGabay